Matitipid sa pag-aayuno ngayong Kuwaresma, itulong sa pagpapawalak ng renewable energy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,130 total reads

Ipinagpasalamat ng Diocese of San Carlos ang paglalabas ng lokal na pamahalaan sa Negros Occidental ng Executive Order na nagbabawal sa pagtatayo ng mga Coal Fired Power Plant.

Ayon kay San Carlos Bishop Gerardo Alminaza, makabuluhan ang kanilang pagkilos na pinangungunahan ng mga kabataan noong ika-6 ng Marso, Miyerkules ng Abo, dahil sa araw ding ito ibinaba ni Gov. Alfredo Marañon, Jr. ang E.O. 1908 Series of 2019 na nagdedeklara sa lalawigan ng Negros Occidental bilang pangunahing pinagmumulan ng Renewable Energy at isang Coal Free Province.

Bumuo din ng Provincial Renewable Energy Council o PREC ang lalawigan ng Negros upang paunlarin pa ang renewable energy facilities ng lalawigan.

Itinuturing itong isang malaking tagumpay ng mamamayan sa Negros at ng simbahan lalo na ngayong Year of the Youth dahil sa aktibong pakikisangkot ng mga kabataan sa mga usaping pangkalikasan na may kaakibat na moral na responsibilidad.

“Very meaningful s’ya [yung year of the youth] saka ash wednesday, nakikita talaga natin na ang Youth pala, usually kapag sinabi nating millenial, generation Z, parang may sariling mundo, very self-referential, walang pakialam. Pero dito pinakita na ang youth sa Negros ay mulat sa mga Social issues, and they want to participate kasi kanilang future ang nakasalalay dito.” pahayag ni Bishop Alminaza sa Radyo Veritas.

Ngayong panahon ng kuwaresma, nanawagan din si Bishop Alminaza sa mamamayan na mag abstinensya, bawasan, o tuluyan nang itigil ang mga nakagawiang may masamang epekto sa kalikasan.

Sinabi ng Obispo na maaaring isakripisyo ang panonood ng telebisyon, o anumang bagay na makatutulong upang makatipid sa elektrisidad ang bawat bahay.

Inihayag ng Obispo na ang pag-babawas o tuluyan nang hindi paggamit ng plastic ay mabuting paraan ng pagsasakripisyo o pag-abstinensya.

“Halimbawa yung avoiding use of plastics; yung mga alternative na mga pagkain o products na talagang organic na talagang maganda sa kalusugan natin; mga sacrifices pa sa Earth Hour, yung isang oras from 8 to 9 halimbawa sa atin sa Pilipinas, you will sacrifice your favorite telenovela, o kung ano ang nakagawian n’yo around that time, but instead do something that will be worthwhile for the Mother Earth.” Pahayag ng Obispo sa Radyo Veritas.

Hinimok ni Bishop Alminaza ang lahat na ang natitipid na salapi dahil sa fasting ay maaaring ibigay na tulong upang mapondohan ang renewable energy project sa mga parokya.

“Halimbawa pagnakatipid tayo ng pera dahil nag fasting tayo, sana i-invest natin halimbawa tumulong tayo para magkaroon ng renewable energy fund sa parish. Kasi panawagan namin sa Diocese bawat Parish magkaroon ng green team, ito yung mangangasiwa ng mga projects that will live-out Laudato Si.’’ paala ng Obispo

Noong 2018 iminungkahi ng Kanyang Kabanalan Francisco na isama sa Spiritual Works of Mercy ang pangangalaga sa kalikasan.

Dahil dito, naniniwala si Bishop Alminaza na kinakailangan din ng Simbahan ng masmarami pang tagapagpalaganap ng kasalukuyang sitwasyon sa kalikasan at kung paano makatutulong ang bawat isa upang maprotektahan ang sanilikha.

Philippine delegate sa COP31, dismayado

 10,729 total reads

 10,729 total reads Dismayado ang ilang delegado ng COP31 na ginanap sa Turkiye dahil sa pag-atras ng mga napagkasunduang hakbang para tugunan ang climate change. Sa

Read More »

Hesukristo, hari ng pagmamahal at pagtanggap

 10,947 total reads

 10,947 total reads Binigyang-diin nina Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas at Novaliches Bishop Roberto Gaa ang natatanging paghahari ni Hesukristo na nakaugat sa pagmamahal, malasakit at paglilingkod

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi krimen ang magprotesta

 27,933 total reads

 27,933 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 150,119 total reads

 150,119 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

NAKAHANDA BA TAYO WHEN NATURE STRIKES

 200,482 total reads

 200,482 total reads Kapanalig, ang climate change ay hindi na isang banta. Ito ay kumakatok na sa ating mga pintuan, binabaha ang ating tahanan, sinisira ang

Read More »

Special treatment?

 327,540 total reads

 327,540 total reads Mga Kapanalig, isa si dating House Speaker at Leyte Representative Martin Romualdez sa mga sinasabing pangunahing personalidad na sangkot sa flood control scandal

Read More »

Bayan bago banyaga

 411,588 total reads

 411,588 total reads Mga Kapanalig, nagsimula na ang 49th ASEAN Summit sa Pilipinas. Malinis na mga kalsada, maayos na paligid, at maaliwalas na tanawin ang sumalubong

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 41,106 total reads

 41,106 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 70,664 total reads

 70,664 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 63,508 total reads

 63,508 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top