Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Pangulong Duterte, pinayuhang itigil na ang maanghang na pananalita

SHARE THE TRUTH

 239 total views

Pinayuhan ni incoming Archdiocese of Ozamiz, Bishop Martin Jumoad si pangulong Rodrigo Duterte na magdahan-dahan sa mga binibitiwang salita sa mga malalaking bansa at organisasyon tulad ng Estados Unidos, United Nation at European Union.

Ayon kay Bishop Jumoad kailangan pa ring mangibabaw sa Pangulo ang respecto sa mga makapangyarihang bansa upang maiwasan ang girian sa mga karatig rehiyon at bilang pagtanaw na rin ng utang na loob na sa mga ipinagkaloob nilang tulong sa ating bansa.

“We will really be affected if that will continue and I hope the President will moderate his talking in terms of mga masamang mga salita laban sa mga big countries. Ang importante respecto,” giit pa ni Bishop Jumoad sa Radyo Veritas.

Pabor naman si Bishop Jumoad sa unti – unting pagkalas ng bansa sa pagdidikta ng Amerika upang malaya nang mapa – unlad ang ekonomiya lalo na sa kapasidad ng bansa na maibenta ang mga produkto nito sa karating rehiyon na hindi na kontrolado ng mga dayuhang bansa.

“We stand up for our own, the most important here we know really how we stand up and how to develop our own country because it if we keep depending on other country then hindi yun maganda. Ang importante we have the capability yung mga materials natin kailangan nating madevelop para maibenta natin sa ibang nasyon,” bahagi ng pahayag ni Bishop Jumoad sa panayam ng Veritas Patrol.

Magugunitang, ginisa ng Pangulo ang US, UN at EU dahil sa patuloy na pakikialam ng mga ito sa patuloy na kampanya kontra ilegal na droga kung saan umaabot na sa mahigit tatlong libo na ang namamatay.

Sa kasalukuyan ayon sa pagsusuri ng ilang ekonomista napapanatili pa rin ng Pilipinas ang pinaka – mabilis na paglago ng ekonomiya sa rehiyon matapos na bumagsak ang piso sa pinaka – mahinang antas nito sa loob ng pitong taon.

Nauna na ring sinabi ni Pope St. John Paul II na mahalagang idaan sa tahimik at mapayapang dayalogo ng isang lider ang mga usaping kinakaharap ng bansa upang maiwasan ang giringan na maaring magdulot ng kapahamakan sa kanyang nasasakupan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

GEN Z PROBLEM

 29,491 total views

 29,491 total views Bawasan o alisan ng access ang mga menor de edad sa social media? Sa isang pag-aaral, 95-porsiyento ng mga kabataang Pilipino na may

Read More »

STATE AID o AYUDA

 47,475 total views

 47,475 total views Hindi lang panahon ng halalan pinag-uusapan ang ayuda., noon ang mga tumatakbong pulitiko lamang ang namimigay ng ayuda..sa tuwing may eleksyon lang naman.

Read More »

PERFECT CRIME

 67,412 total views

 67,412 total views Sa mga eksperto ng law enforcement, walang “perfect crime”. Para sa Federal Bureau of Investigation (FBI), ang salitang “perfect crime” ay isang ‘myth’

Read More »

Witch hunt?

 84,308 total views

 84,308 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 97,683 total views

 97,683 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 73,371 total views

 73,371 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 99,186 total views

 99,186 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 137,202 total views

 137,202 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top