Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan, kaisa ng mamamayan sa panahon ng pangangailangan.

SHARE THE TRUTH

 40,531 total views

March 24, 2020, 2:21PM

Namahagi ng tulong ang Parokya ng San Martin Tours sa Bocaue, Bulacan para mga apektado ng pinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon bunsod na rin ng corona virus disease o COVID-19 outbreak.

Sa pangunguna ni Bikaro Paroko Rev. Fr. Daniel “Dane” M. Coronel, kasama ang mga kursilista ng parokya ay nakapangalap sila ng sapat na pondo para makapagbahagi ng 400 relief packs na naglalaman ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, delata, kape, at asukal.

Ang mga relief packs ay ipinamahagi sa mga pamilyang lubhang apektado tulad ng mga daily wage workers.

Bukod sa pamimigay ng relief packs, nagpapamahagi rin ang grupo ng libreng merienda tuwing hapon sa ilang frontliners, volunteers, at mga pulis na nakabantay sa mga checkpoints sa bayan ng Bocaue.

“Hindi kasi puwedeng wala tayong gagawin para sa kanila [sa mga nangangailangan]. Kailangang kumilos, higit kahit kailan, ngayong inaasahan ang mga kawanggawa kaugnay na rin ng panahon ng Kwaresma. Kaya nga, ako, kasama ng mga kursilista ay nagsusumikap na sa aming munting pagkilos ay makapaghatid ng pantawid gutom at maipadama sa ating kapwa ang pagmamahal ng Panginoon at ng Simbahan sa kanila.” pahayag ni Fr. Dane sa Radyo Veritas

Ikinagagalak naman ng pari ang patuloy na pagdating ng donasyon at pamamahagi ng relief packs at libreng merienda ng grupo.

Patuloy naman ang pagbabahagi ng tulong ng simbahan katuwang ang iba’t ibang organisasyon nito sa mga pinakamahihinang sektor ng lipunan na apektado ng pandemya bunsod ng COVID-19.

Read: Hospital chaplains, katuwang ng health workers sa laban kontra COVID-19.

https://www.veritas846.ph/bella-padilla-nakiisa-sa-ligtas-covid-kit-ng-caritas-manila/
https://www.veritas846.ph/pantawid-gutom-program-inilunsad-ng-san-antonio-de-padua-parish/
https://www.veritas846.ph/hospital-priest-chaplains-nanawagang-ipagdasal-ang-covid-19-frontliners/
https://www.veritas846.ph/church-in-action-covid-19-crisis-response/

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 6,503 total views

 6,503 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 25,235 total views

 25,235 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 41,822 total views

 41,822 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 43,109 total views

 43,109 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 50,560 total views

 50,560 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 17,269 total views

 17,269 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 100,142 total views

 100,142 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top