Monthly stipend ng Bataan Clergy, ilalaan sa mga apektado ng COVID-19.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 632 total views

March 25, 2020, 10:10AM

Pansamantalang isantabi ng mga pari ng Diyosesis ng Balanga sa Bataan sa pangunguna ni Bishop Ruperto Santos ang pagtanggap ng kanilang buwanang allowance sa kapakinabangan ng lahat.

Sa pahayag ni Bishop Santos, ito ang napagkasunduan ng Bataan clergy bilang tugon sa krisis dulot ng pandemic corona virus disease na umaapekto sa buong mundo.

“With this present difficult and uncertain economic situations, we priests in the Diocese have decided to forego our monthly stipends or monthly allowances for the good and for benefits of her people and personnel,” mensahe ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Aniya, ang mga nakatakdang allowance sa buwan ng Marso, Abril at maging sa Mayo ay ilalaan para tulungan ang mamamayan na higit apektado sa ipinatupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon lalo na ang mga walang kinikita partikular ang mga manggagawa ng diyosesis at sa mga parokya.

Biniyang diin ni Bishop Santos na ang COVID 19 ay tunay na daan ng krus kung saan tulad ng pinagdaanan ni Hesus sa bawat pagbagsak ay ibabangon tayo ng Panginoon at may mga taong nakahandang umagapay sa bawat isa.

“Along our way of the cross there will be many Veronica and Simon of Cyrene to wipe our tears and carry our loads. Let us also be Veronica and Simon to others,” saad ni Bishop Santos.

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nahawaan ng COVID 19 sa bansa na umabot sa higit 500 katao ay mas hinihigpitan ang paglalabas ng mga tao upang tuluyang mapuksa ang virus na dahilan ng pagsasara ng maraming negosyo at kawalan ng trabaho.

Ang hakbang na ipinatutupad ng diyosesis ay pagpapakita ng tunay na simbahang lumilingap sa mga nangangailangan lalo ngayong panahon ng krisis.

“To forego our monthly stipends is to care for them and to thank them for their services; this is the Diocese of Balanga’s solidarity, our self giving to let them feel that our Church is always there for them,” giit ni Bishop Santos.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 170,168 total views

 170,168 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 200,391 total views

 200,391 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 227,037 total views

 227,037 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 322,010 total views

 322,010 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 332,027 total views

 332,027 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top