Cardinal Tagle, nagpaabot ng pakikiisa at pasasalamat sa Church media.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 952 total reads

March 25, 2020, 11:32AM

Nagpabatid ng kanyang pakikiisa at pasasalamat ang dating arsobispo ng Maynila para sa “church media” na patuloy na naghahatid ng Mabuting Balita ng Panginoon sa kabila ng panganib na dulot ng Corona Virus pandemic.

Ayon sa Kaniyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle, Prefect of the Congregation for the Evangelization of Peoples, nagsisilbing daluyan ang Radyo Veritas, TV Maria at Social Communications Ministry ng mga parokya na ihatid ang Mabuting Balita sa mananampalataya.

“Salamat sa pagiging daluyan ng pagmamahal, malasakit, pagdamay at pag-asa sa mga kababayan natin, lalo na ang mga maysakit, nangangaba at nangungulila. You are in my prayers. Stay well, safe and joyful. This crisis makes us bow before the only and truly Mighty One. No virus can stop God’s love from spreading. At kayo ang “carriers” ng pag-ibig ng Diyos sa oras na ito,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Cardinal Tagle.

Ito ay sa pamamagitan ng Radyo, Telebisyon at Live streaming ng mga misa lalu’t hindi pinahihintulutan ang mga misa sa mga parokya bilang pag-iingat na higit pang lumaganap ang sakit.

Live na mapapakinggan sa Radio Veritas846 at Veritas846.ph ang tatlong misa kada araw, tuwing alas-6 ng umaga, alas-12 ng tanghali at alas-6 ng gabi at mga kaganapan sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas at ibayong dagat.

Tiniyak din ni Cardinal Tagle ang pananalangin para sa kaligtasan ng bawat isa gayundin ang kahilingan na ipanalangin ang mga Filipinong malayo sa kanilang mga pamilya.

“Ipagdasal ninyo kaming malayo sa bansa at aming mga pamilya. May mga kababayan tayo sa Italy na nababawasan o nawawalan ng trabaho. Ipagdasal ninyo ang kaligtasan at kalusugan ng lahat. Matutuwa kayo dahil tuloy ang pagtutulungan, pananalangin at pagngiti ng mga Pilipino sa gitna ng pagsubok na ito,” ayon pa kay Cardinal Tagle.

Si Cardinal Tagle, kasama ang higit sa 50 mga pari sa Italya ay nagsasagawa rin ng online mass na mapapanood sa facebook page ng Pontificio Collegio Filipino.

Sa kasalukuyan ay ang Italya ang higit na apektado ng COVID-19 pandemic kung saan may 60 ng mga pari lalu na mula sa Diocese ng Bergamo, Lombardy ang nasawi dulot ng pagkahawa mula sa sakit.

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 3,493 total reads

 3,493 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bagong mukha ng Boracay

 10,365 total reads

 10,365 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 47,766 total reads

 47,766 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 274,036 total reads

 274,036 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 167,503 total reads

 167,503 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 261,020 total reads

 261,020 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 290,305 total reads

 290,305 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 403,847 total reads

 403,847 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top