SANLAKBAY,ilulunsad ng Caritas Manila

SHARE THE TRUTH

 221 total views

Patuloy na isinasailalim sa iba’t-ibang seminar ng Caritas Manila Restorative Justive (RJ) Ministry ang mga volunteers mula sa mga diyosesis sa buong Metropolitan Province ng Archdiocese of Manila sa paghahanda nito sa nalalapit na official launching ng SANLAKBAY, isang community – based rehabilitation centers ng mga drug surrenderers.

Ayon kay Caritas Manila RJ program coordinator Sister Zeny Cabrera, nagsasagawa sila ngayon ng series of seminar tulad ng ‘Art Therapy’ sa mga volunteers ng SANLAKBAY na silang mangunguna sa mga formations at sessions na ipagkakaloob ng libre sa mga parokya na may dumaraming bilang ng mga drug dependents na nais magbalik loob sa Diyos at magkaroon ng disenteng trabaho.

Katuwang sa naturang seminar ng RJ Ministry ang mga misyonerong madre mula sa Immaculate Heart of Mary na nasa mahigit 35 SANLAKBAY volunteers and facilitators na bubuo sa pagbibigay ng pagsasanay sa kani – kanilang diyosesis na kinabibilangan.

“Ngayon po ay naghahanda tayo para sa seminar na ibibigay natin sa mga volunteers na siyang magbababa ng formations, sessions, sa mga iba’t ibang parokya. Ang seminar na ito ay tinatawag po nating ‘Art Theraphy seminar.’ At inaanyayahan po natin ang isa sa ating mga madre mula sa ICM sa Missionary Sisters of the Immaculate Heart of Mary si Sister Eleonor. Siya po ay magbibigay sa atin ng isang buong araw ng pagsasanay para sa ating mga volunteers na magbababa ng workshop na tinatawag nating ‘Art Therapy.’ Ito po ay pangangailangan para sa ating mga drug surrenderers na ating tutulungan sa loob ng programa ng Caritas Manila – Restorative Justice – SANLAKBAY,” pahayag ni Sis. Cabrera sa panayam ng Veritas Patrol.

Nabatid na mula sa datos ng Philippine National Police tinatayang nasa mahigit 700 libo na ang mga sumukong drug pushers and users sa pamahalaan.

Samantala, gaganapin naman ang opisyal na paglulunsad ng SANLAKBAY sa ika – 23 ng Oktubre taong kasalukuyan kasabay ng pagdiriwang ng “Prison Awareness Mass” na pamumunuan ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa Immaculate Conception Cathedral, Intramuros, Manila.

Kaugnay nito, magiging kabahagi ng Caritas Manila ang Couples for Christ (CFC) – ANCOP Global Foundation Incorporated sa programang SANLAKBAY.

Ayon kay CFC – ANCOP president Jimmy Ilagan, nailunsad na rin nila ang programang “Project Reform” o rehabilitation formation na kanilang ipinagkakaloob ng libre sa mga sumukong drug users at pushers.

Bilang kilalang pontifical family oriented lay organization nais makiisa ng CFC – ANCOP sa SANLAKBAY lalo na sa pagtulong sa mga mag – asawa o kanilang mga anak na nalululong sa ipinagbabawal na gamot na nagdudulot ng pagkakawatak – watak ng pamilya.

Layunin ng SANLAKBAY na tumulong sa mga drug addicts na makapag – bagong buhay lalung lalo na sa halos 700 libong sumukong lulong sa ilegal na droga na hindi kayang kalingain ng pamahalaan dahil sa kakulangan sa pasilidad.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

4Ps ISSUES

 13,721 total views

 13,721 total views Taong 2008 ng ilunsad ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ganap na naging institutionalized noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act 11310

Read More »

Health emergency dahil sa HIV

 28,365 total views

 28,365 total views Mga Kapanalig, naaalarma ang ating Department of Health (o DOH) sa pagtaas ng kaso ng mga Pilipinong may human immunodeficiency virus (o HIV),

Read More »

Suweldong hindi nakasasabay sa realidad

 42,667 total views

 42,667 total views Mga Kapanalig, nag-adjourn o nagsarado na ang 19th Congress nang hindi niraratipikahan ang isang panukalang batas na layong itaas ang suweldo ng mga

Read More »

K-12 ba ang problema?

 59,368 total views

 59,368 total views Mga Kapanalig, balik-eskuwela na para sa ating mga estudyante sa mga pampublikong paaralan at ilang pribadong eskuwelahan. Kasabay nito ang muling pag-ingay ng

Read More »

HOUSING CRISIS

 105,138 total views

 105,138 total views Magkaroon ng sariling bahay.. ito ang pangarap ng marami sa ating mga Pilipino.. Ika nga, pinapangaral ng mga magulang sa anak na bago

Read More »

Related Story

Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 112,423 total views

 112,423 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top