Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 707 total views

Kapanalig, ngayong mga panahon na ito, mas lumilitaw ang mga iba iba anyo ng karahasan na nararanasan ng babae sa lipunan.

Naging komon ang salitang “misogyny” at “slut-shaming.” Ang mga katagang ito ay halos walang eksaktong katumbas o pagsasalin sa ating lenggwahe. Kadalasan, “bastos” lamang ang ating sinasabi. Para sa maraming kababaihan, mababaw pa ang salitang “bastos” para sa lalim ng sakit na dala ng mga salita at aksyon na ginagamit laban sa kababaihan. Ang mga pambabastos na ito ay hindi lamang minsanan. Isa itong way of life, kapanalig, para sa maraming mga mamamayan, hindi lamang sa ating bayan, kundi sa buong mundo.

Sa ating mga komunidad na lang mismo, kapanalig, makikita natin na ang babae ay tila target lagi ng pang-alipusta. Kahit pa milya-milya na ang layo ng naabot ng mga kababaihan, kahit pa napakarami nilang accomplishments sa kanilang propesyon, may mga tao pa rin na dinidiskwento ang mga tagumpay na ito at hinuhusguhan sila base sa kanilang katawan, suot, o personal na buhay. Ang ganitong uri ng panghuhusga ay hindi karaniwang ginagawa sa mga kakalalakihan.

Kaya nga’t ang terminong “misogyny” ay nagiging mas kilala ngayon sa atin. Ito ay nangangahulugang ng malalim na poot sa mga babae. Nakikita ito sa karaniwang mga nangyayari sa ating mga komunidad. Halimbawa, kung ang lalake ay marami ng partners, tawag sa kanya ay macho. Kapag ang babae ay maraming naging boyfriend, tawag sa kanya ay: mga salitang hindi na dapat marinig sa radyo o TV. Sa mga lalake, ang pagkakaroon ng seksual na karanasan ay parang “badge of honor.” Mas marami, mas tumitindi ang lalake. Sa babae, ito ay naging badge of shame. Parehong panig, tila sablay, diba? Malayo sa tama; malayo sa pagsasabuhay ng dignidad ng tao, babae man o lalake. Sa ganitong double-standard, hindi lamang babae ang dehado. Tayong lahat, kapanalig, talo dito.

Kapanalig, base sa datos ng National Demographic and Health Survey (NDHS), isa sa limang babae may edad 15-49 ay nakaranas na ng physical violence simula ng edad 15. 14.4% naman ng mga babaeng may-asawa ay nakaranas na ng physical abuse sa kanilang asawa, at 37% ng mga separada o biyuda ay nakaranas na rin ng physical violence sa kanilang naging asawa. Ayon pa sa NDHS, isa sa 25 na babaeng may edad 15-49 na may sexual experience na ay napwersa lamang sa kanilang unang karanasan. Isa rin sa sampung babae may edad 15-49 ay nakaranas na ng sexual violence.
Kailangan nang, mawala ang karahasan laban sa kababaihan, sa salita man o sa gawa. Napakahirap mabuhay ng matiwasay at may dignidad kung mula sa loob ng bahay hanggang sa kalakhan ng lipunan ay nakakararanas ng pambabastos ang kababaihan.

Kaya nga’t napakatapang, kapanalig, ng mga kababaihan. Wika ka nga sa ingles, “They hold half the sky,” at ginagawa nila ito kahit pa marami sa atin ang kumukutya sa kanilang pagkatao. Kapanalig, ang panlipunang turo ng Simbahan ay nagbibigay importansya sa dignidad nating lahat bilang anak ng Diyos. Sana ay tumalima tayo sa mga gabay nito. Lagi tayong inuudyok nito na bigyang galang ang dangal ng lahat, babae man o lalake. Paalala ng Gaudium et Spes: Ano pa man ang ating pagkaka-kaiba, ang ating dignidad ay pantay-pantay, babae man o lalake. Lahat tayo ay may karapatan sa patas at makatarungang sitwasyong panlipunan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

NASAAN ANG SIMBAHAN

 25,886 total views

 25,886 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 49,038 total views

 49,038 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 119,152 total views

 119,152 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 193,766 total views

 193,766 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 271,980 total views

 271,980 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

NASAAN ANG SIMBAHAN

 25,887 total views

 25,887 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 49,039 total views

 49,039 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 119,153 total views

 119,153 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 193,767 total views

 193,767 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »
Scroll to Top