29,585 total views
Positibo ang isang ekonomista na maghahatid ng pangmatagalang pakinabang ang pagiging host country ng Pilipinas sa 31st Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit 2017.
Ayon kay University of Asia and the Pacific Professor Emeritus Bernardo Villegas, ang pagpapatibay ng koneksyon sa ibang mga member-state ng asosasyon ay siyang magdadala ng kaunlaran sa bansa sa susunod na dalawang dekada.
“This century is being referred to Asian century contrasted with the last century, American Century. ‘Yung mga territorries ngayon are old, tired and slow-growing and no longer the engine of global growth. Ang nagiging engine is Asia but Asia is also three-cornerd. China India and the ASEAN economic community- and that is where we belong. We belong to the three areas that will fuel global growth in the next twenty years or more. And that is why the more we really strghten our relation to the nine other members of ASEAN,” pahayag ni Villegas sa panayam ng Radyo Veritas.
Inihayag ni Villegas na mula sa kasalukuyang estado ay lalago ng 8 hanggang 10 porsiyento ang ekonomiya ng Pilipinas na siyang magpapasok ng mga investors hindi lamang mula sa kapwa ASEAN countries kundi maging sa iba pang mga bansa sa labas ng kontinente.
Samantala sinabi rin ni Villegas na pangunahing matutulungan ng isasagawang pagpupulong ang larangan ng imprastraktura partikular na ang Build Build Build Project ng kasalukuyang administrasyon gayundin ang manufacturing industry.
“Our infrastructures are among the most ineffiecient in East Asia, we have a lot of catching up to do. Then the number of manufacturing investment that are now coming to the Philippines because our NorthEast Asian neighbors the Japanese, Koreans and Taiwanese are already completely disappointed with the investment in China,” dagdag pa nito.
Inaasahang 21 mga lider mula sa iba’t ibang mga bansa kabilang na ang 10 ASEAN member states, 8 miyembro ng East Asia Summit kasama rin sina Canadian Prime Minister Justin Trudeau at US President Donald Trump ang dadalo sa 4-day ASEAN summit mula ika-10 hanggang ika-14 ng Nobyembre.
Una nang pinuri ng Kanyang Kabanalan Francisco ang pagsasama-sama ng mga bansa na may layuning paunlarin ang ekonomiya at sugpuin ang kahirapan at terorismo.