Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Simbahan handang tumulong sa gobyerno sa epekto ng Covid-19

SHARE THE TRUTH

 41,180 total views

Handa ang Simbahang Katolika na maging katuwang ng gobyerno lalu’t nahaharap ang bansa sa krisis ng pandemya.

Ito ang pahayag ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa nakikitang kakulangan ng gobyerno para tugunan ang mga pangangailangan ng mahihirap na Filipino.

Sa ulat, higit sa 11 milyong manggagawa ang nawalan ng hanap buhay dahil sa ipinatutupad ng community quarantine sa Luzon at iba pang bahagi ng Pilipinas bunsod na rin ng paglaganap ng coronavirus disease.

“Ang simbahan naman ay handang tumulong sa national government para matulungan ‘yung mga tao. Lalong lalo na ngayon na kailangan na nila ng pera para sa kanilang araw-araw na pangangailangan,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas.

Ang simbahan sa pamamagitan ng Caritas Manila ay nakatulong na sa mahigit isang milyon pamilya o 6.8 milyong indibidwal matapos na makapagbahagi ng mahigit P1-B halaga ng gift certificates sa pinakamahihirap na sektor ng lipunan.

Ilang mga kongregasyon at parokya ng simbahan ang patuloy na tumutulong sa mga nangangailangang mahihirap at mga medical frontliner sa bansa.

Dagdag pa ni Bishop Pabillo, sakali mang humingi ng tulong ang gobyerno sa simbahan ay dapat ang pamahalaan ang magtakda ng panuntunan upang hindi mapulitika ang pagtulong.

“Kung gusto ng gobyerno na tumulong ang simbahan, dahil mayroon naman tayong network sa pamamagitan ng parokya at mga BEC ay handa tayo.” pahayag ni Bishop Pabillo.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 5,252 total views

 5,252 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 21,839 total views

 21,839 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 23,208 total views

 23,208 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 30,877 total views

 30,877 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 36,381 total views

 36,381 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Latest News
Veritas Team

AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos

 16,695 total views

 16,695 total views AVT Liham Pastoral: Pumili ng Maayos “Saksi ko ang langit at lupa na ngayo’y inilahad ko sa inyo ang buhay at kamatayan, ang

Read More »
Cultural
Veritas Team

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 99,696 total views

 99,696 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top