Cardinal Tagle, ipinagmalaki ang Project Ugnayan sa Caritas Internationalis

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 640 total reads

Nagpapasalamat ang Caritas Internationalis sa lahat ng nakipagtulungan sa Simbahang Katolika upang makapagpaabot ng tulong sa mga lubos na nangangailangan dahil sa krisis na dulot ng pandemic na Coronavirus Disease 2019 sa bansa.

Ayon sa Kaniyang Kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle, pangulo ng Caritas Internationalis, ang Project Ugnayan na resulta ng Oplan Damayan ng Caritas Manila ay pagpapakita ng magandang halimbawa ng pagkakaisa, pagkakawang gawa at pagiging makabayan sa oras na lubos na kinakailangan ng bayan ang pagdadamayan.

Ipinagmamalaki rin ni Cardinal Tagle ang kasalukuyang Prefect of the Congregation for the Evangelization of People ang programa bilang isang modelo ng epektibong pagtutulungan ng Simbahan, Business Sector at pamahalaan tungo sa iisang layunin na makatulong sa mga nangangailangan.

“As our initial response to the COVID 19 pandemic called Project Ugnayan is winding down, I wish to express my gratitude to all of you. In a special way, I thank you for partnering with the Church through Caritas and its Oplan Damayan,” ang bahagi ng pahayag ni Cardinal Tagle.

Ayon pa kay Cardinal Tagle bagamat malaki ang naidulot ng COVID-19 sa pagbabago ng buhay ng tao sa buong mundo dulot ng kawalang hanapbuhay, dami ng naitatalang nahahawaan at namamatay ay hindi naman maitatanggi ang naipamalas ng marami na pagkakawanggawa at pag-ibig para sa kapwa.

Paliwanag ng Cardinal ang pagsusulong ng kapakanan ng bawat mamamayan partikular na ng mga mahihirap at mahihina sa lipunan sa gitna ng krisis na dulot ng COVID-19 ay isang simbolo ng muling pagkabuhay ni Hesus kung saan makikita ang pag-asa hatid ni Hesus para sa sangkatauhan.

“But we also cannot deny that the corona virus has generated an equal, or even more powerful pandemix of love and caring. This is Easter. The resolve in our hearts to value every human life and to promote the common good is a sure sign that Jesus is truly risen and will not die again. Thank you for being beares of Easter hope to the poor and vulnerable and for making sincere love contagious,” dagdag pa ni Cardinal Tagle.

Una na ring nakipagtulungan ang mga mamumuhunan sa Metro Manila sa Caritas Manila upang magpaabot ng tulong sa mga mahihirap na lubos apektado sa krisis na idinudulot ng COVID-19.

Ang Philippine Disaster Resilience Foundation ay naglunsad ng Project Ugnayan kung saan nakalikom ng 1.5 bilyong piso para maipamamahagi sa mga apektadong pamilya lalu na sa National Capital Region kung saan P1,000 halaga ng gift certificate ang ipamigay na maaring gamitin sa pagbili ng mga pangunahing pangangailangan ng pamilya.

Sa bahagi naman ng simbahan katuwang ng Caritas Manila ang mga parokya sa paghahanap ng mga benepisyaryong pamilya na karapatdapat na tumanggap ng tulong mula sa Project Ugnayan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

PLUNDER IN PLAIN SIGHT

 117,961 total reads

 117,961 total reads Kapanalig, bawat budget season, halos magkapareho lang ang script: public funds na lumolobo sa record high, bilyun-bilyong pisong pondo na sekretong itinatago sa

Read More »

Usapang klima

 255,539 total reads

 255,539 total reads Mga Kapanalig, ngayon ang huling araw ng Global Warming and Climate Change Consciousness Week na isinasagawa taun-taon mula November 19 hanggang 25. Kasabay

Read More »

Hindi krimen ang magprotesta

 371,315 total reads

 371,315 total reads Mga Kapanalig, nairaos na ang ASEAN Summit. Mahalaga ito sa pagtataguyod ng mabuting ugnayan ng mga bansa sa Timog Silangang Asya at iba

Read More »

THE LOST LESSONS

 487,042 total reads

 487,042 total reads Kapanalig, A Nation That Fails to Educate Its Children Risks Its Future Madalas sinasabi, ang edukasyon ang pundasyon ng kinabukasan ng isang bansa.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top