Garbage collectors, tinulungan ng Radio Veritas

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,762 total reads

April 24, 2020, 2:46PM

Nagpamigay ng mga relief pack para sa mga garbage collectors sa lungsod ng Quezon City ang Radio Veritas sa pakikipagtulungan sa The International Association of Lions Clubs Manila Excel district 201 – A3 sa pangunguna ni Stephen C. Chan.

Sa inisyatibo ni Veritas Pilipinas anchor Ms. Jing Manipol Lanzona, ang kaunting tulong ay inilaan para sa mga frontliner na bagama’t wala pa mang COVID-19 ay nahaharap sa banta ng pagkakasakit dahil sa mga waste product at kakulangan ng proteksyon.

Matapos makatanggap ng relief goods, binigyan ng blessings o pagbabasbas ni Rev. Father Roy Bellen, ang Vice-President for Operations ng Radio Veritas ang mga nangongolekta ng basura para sa kanilang kaligtasan habang ginagampanan ang trabaho sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito, nanawagan si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo na bigyang halaga ang mga garbage collector dahil sila ang dahilan kung bakit nanatiling malinis ang kapaligiran at mga ospital lalo na ngayong panahon ng pandemya.

“Mahalaga po ang serbisyong kanilang ginagawa at sana po ay natutumbasan ang kanilang serbisyo sa naangkop na sweldo at benepisyo na ibibigay sa kanila ng LGU at National Government,” pahayag ni Bishop Pabillo sa Radyo Veritas

Matatandaang nanawagan ang mga makakalikasang grupo na Ecowaste Coalition sa pamahalaan na bigyan ng hazard pay ang mga nangongolekta ng basura dahil isa sila sa mga humaharap sa peligro dahil na rin sa mga hospital waste and used materials sa mga opistal at komunidad.

Panalangin naman ni Bishop Pabillo na mapanatiling ligtas ang mga nangongolekta ng basura dahil isa sila sa humaharap sa potensyal na panganib bunsod ng coronavirus disease.

“Panginoong Diyos na mapagmahal, itinataas po namin sa Inyo ang isa sa mga frontliner namin na sila pong nangongolekta ng aming mga basura. Mapanatili po nawa silang malusog dahil malaki po ang kanilang tungkulin at panganib sa kanilang buhay dahil sa exposure nila sa virus.

Kaya panatilihing po ninyong sila’y malakas pati ang kanilang pamilya at gayun din ay ilayo sila sa kasamaan lalong lalo na sa sakit.

Hinihiling po namin ito sa pamamagitan ni Kristo na aming Panginoon”.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 2,731 total reads

 2,731 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 54,552 total reads

 54,552 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 139,918 total reads

 139,918 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 186,654 total reads

 186,654 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 234,526 total reads

 234,526 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 335,881 total reads

 335,881 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 313,558 total reads

 313,558 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 419,656 total reads

 419,656 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top