Malacañang, nagpasalamat sa tulong ng Simbahan sa epekto ng ECQ

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 639 total reads

April 26, 2020-6:53am

Nagpapasalamat ang Malacañang sa patuloy na pagtulong ng Simbahang Katolika sa mga higit na nangangailangan dulot ng epekto ng enhanced community quarantine dahil na rin sa patuloy na banta ng Novel Coronavirus.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque na siya ring tagapagsalita ng Inter-Agency Task Force (IATF), ito ay tunay na pagpapahayag ng pagsasabuhay ng tungkulin bilang mga lingcod ng simbahan.

“Nagpapasalamat po kami dun sa nababalitaan namin na kinukupkop na mga stranded na construction workers, frontliners. Nagbibigay ng pagkain sa mga nangangailangan. Maraming-maraming salamat po,” ayon kay Roque sa panayam ng programang Veritasan.

Inaamin din ni Roque na hindi sasapat ang pondo ng pamahalaan para tulungan ang lahat dahil sa limitadong pondo ng pamahalaan na tumatanggap din ng tulong maging sa mga pribadong sector at paglalaan ng ilang ahensya ng gobyerno ng programa tulad na rin ng Social Security System para makatulong sa publiko.

Hinikayat din ni Roque ang simbahan na makipag-ugnayan sa mga local na pamahalaan para sa kanilang mga programa ng pagkakawanggawa at pamamahagi ng tulong sa mga mahihirap.

Ito ay kaugnay na rin sa ilang ulat na pinagbabawalan ang ilang mga kawani ng simbahan maging ang mga pari na lumabas dulot na rin ng umiiral na locked down policy.

“So kung makikipag-coordinate tayo sa LGU siguro sila na rin ang magsasabi sa mga pulis na payagan kayo,” ayon kay Roque.

Hindi naman nakakatiyak si Roque kung kailan mapapayagan ang simbahan na magdiwang ng misa sa parokya kahit sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ)—o mga lugar na mas kaunti ang bilang ng impeksyon.

Una na ring ipinag-utos ng pamahalaan ang pagpapalawig ng ECQ sa National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon at iba pang mga lugar na may mataaas na bilang ng kaso ng Covid-19 ng hanggang sa ika-15 ng Mayo.

Habang iiral naman ang GCQ o mas maluwag na panuntunan sa mga lugar na mababa at walang kaso ng Covid-19.

Hinihikayat din ni Roque ang mga opisyal ng simbahan na lumiham sa IATF para magmungkahi kaugnay sa pagsasagawa ng misa sa mga parokya o sa kalsada (open space) at iba pang mga aktibidad ng simbahan.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 3,701 total reads

 3,701 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 56,135 total reads

 56,135 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 141,501 total reads

 141,501 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 188,237 total reads

 188,237 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 236,109 total reads

 236,109 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 337,332 total reads

 337,332 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top