Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Magsasaka at mangingisda, apektado na ng Enchanced Community Quarantine

SHARE THE TRUTH

 42,456 total views

March 30, 2020, 3:35PM

Nanawagan ang grupo ng mga mangingisda sa Kagawaran ng Agrikultura na direktang bumili ng mga produkto mula sa mga maliliit na mangingisda at magsasaka upang tulungan sila ngayong mahigpit na ipinatutupad ang community quarantine bunsod ng coronavirus disease.

Ayon sa grupong Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA), nahihiraparan ang mga mangingisda at mga magsasaka na dalhin ang mga produkto sa merkado dahil na rin sa quarantine.

Dagdag pa ng grupo, napipilitan ang mga mangingisda na ibenta ang kanilang produkto sa mababang halaga dahil hindi nila ito madadala sa ibang bayan.

“Ang panawagan natin sa national – sa DA at BFAR na ang kanilang tauhan sa mga munisipyo sa mga probinsya ay matiyak na bilhin yung huli ng mga malilit na mangingisda at maibahagi ito sa ating mga kababayan na apektado ng kawalan ng kabuhayan” pahayag sa Radyo Veritas ni Fernando Hicap, ang National Chairperson ng PAMALAKAYA.

Pinangangambahan rin ng grupo ang pagbabago ng kulay ng tubig sa Manila Bay.

Ayon kay Hicap, ang pagkakaroon ng ‘discoloration’ sa mga dagat ay hudyat na may polusyon na humahalo sa dagat.

“Ang karanasan namin, lalo na sa Manila Bay, kadalasan diyan ay polusyon galing sa waste water ng mga pabrika na walang maayos na water treatment facilities kaya ang kanilang waste material ay dumidirekta sa Manila Bay” dagdag pa ni Hicap.

Sa kasalukuyan, sarado ang ilang daanan at mahigpit ang checkpoint sa ilang bahagi ng Luzon dahil na rin sa enhanced community quarantine na ipinatutupad bunsod ng coronavirus disease.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Witch hunt?

 10,758 total views

 10,758 total views Mga Kapanalig, inihalintulad ni Senador Juan Miguel Zubiri sa “witch hunt” ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte. Para daw itong paghahanap

Read More »

Tahimik sa conflict of interest?

 24,718 total views

 24,718 total views Mga Kapanalig, itinanggi ni Senador Mark Villar ang mga akusasyong ginamit niya ang kanyang posisyon bilang dating kalihim ng Department of Public Works

Read More »

Bihag ng sugal

 41,870 total views

 41,870 total views Mga Kapanalig, tinalakay natin sa isang editoryal ang pagkabahala ng presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) na si Kalookan

Read More »

kabaliwan

 92,297 total views

 92,297 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 108,217 total views

 108,217 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 67,498 total views

 67,498 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 93,313 total views

 93,313 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 133,096 total views

 133,096 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top