Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Start up business, pinalalakas ng ASEAN slingshot

SHARE THE TRUTH

 40,091 total views

Tugon para sa mga indibidwal na nagnanais magtayo ng negosyo ang inilunsad na Slingshot ASEAN Startup and Innovation Summit ng Department of Trade and Industry (DTI).

Ayon kay DTI Undersecretary for Trade and Investments Promotion Group Nora Terrado, nagsisilbing instrumento ang Slingshot ASEAN upang mas palakasin ang startup business sa bansa at gawing mas moderno ang mga negosyo sa tulong ng teknolohiya.

“Ang mga negosyo natin dapat sa Pilipinas ay maging mas modern at innovative kasi napakahogpit ng kompetisyon sa mundo. Ang mga consumers ngayon, very complex ang mga demands nila so kailangan may innovative, madevelop nila yung pagiging relevant nila at maging makabuluhan ang kanilang mga produkto at magpalit sila ng mabilis kung iyon ay nagiging luma na,” pahayag ni Terrada.

Katuwang ang mga nangungunang investors at korporasyon mula sa sampung member state ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), target ng inilunsad na programa na tugunan ang mga pangunahing isyung kinakaharap ng bansa partikular na sa larangan enerhiya, usaping pangkalikasan at persons with disabilities.

Kaugnay nito ay umaasa si Terrada na makapagtatayo ng isang korporasyon ang Pilipinas sa hinaharap na kayang makipagsabayan sa international market at makatutulong sa paglutas ng mga suliraning panlipunan.

Sa pamamagitan ng magkakasunod na panel discussion, learning hubs at panayam sa mga business experts mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay nabigyan ng kaalaman at nahasa ang potensyal ng mga future entrepreneurs na nagnanais pasukin ang mundo ng pagnenegosyo.

Kung ikukumpara sa mga ordinaryong negosyo, sinasabing kayang paglingkuran ng isang startup business ang lima hanggang limang milyong mamimili nang mabilisan at walang ginagamit na malaking capital sa pamamagitan ng teknolohiya.

Patuloy naman ang hamon ng Kanyang Kabanalan Francisco
sa bawat bansa na lumikha ng mga proyekto na mag-aangat sa kalidad ng buhay ng bawat mamamayan lalo na ang mga higit na nangangailangan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 18,006 total views

 18,006 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 34,094 total views

 34,094 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 71,811 total views

 71,811 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 82,762 total views

 82,762 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 26,293 total views

 26,293 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Jubilee 2025: PILGRIMS OF HOPE

 63,128 total views

 63,128 total views Sa araw na ito ng Kapistahan ng Sagrada Pamilya, atin ding inilulunsad Hubileo ng Pagasa. Idineklara ng Santo Papa ang taon 2025 bilang

Read More »

Ayaw ko ng Divorce, sabi ng Diyos

 88,943 total views

 88,943 total views AVT Liham Pastoral Minamahal kong mga Kristiyano sa Bikaryato ng Taytay, Hayaan po nating magsalita ang Diyos sa atin. Maliwang ang kanyang sinasabi.

Read More »

Bayanihan, tema ng PCNE 10

 129,727 total views

 129,727 total views Pinangunahan ng Kanyang Kabunyian Manila Archbishop Jose Cardinal Advicula ang pagdiriwang ng misa sa pagsisimula ng three-day Philippine Conference on New Evangelization (PCNE)

Read More »
Scroll to Top