Libing ni Cardinal Vidal sa Cebu, idineklarang holiday ni Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 540 total reads

Nagpaabot ng pasasalamat si Cebu Archbishop Jose Palma sa paglalaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng oras upang personal na makiramay at makapagpaabot ng huling paggalang kay Cebu Archbishop Emeritus Ricardo Cardinal Vidal.

Ganap na alas-dose ng madaling araw kanina ng bumisita si Pangulong Duterte sa burol ng yumaong Cardinal sa Cebu Metropolitan Cathedral kasama sina Special Assistant to the President Secretary Bong Go at Presidential Assistant for Visayas Michael Dino.

Sa mga larawang ipinadala ng Malacañang Photo Bureau ay makikita ang paghalik ni Pangulong Duterte sa kabaong ni Cardinal Vidal kung saan ito ay nagbahagi rin ng kanyang mensahe.

Bukod dito, nagkaroon rin ng pagkakataon ang Pangulo na makausap ang kapatid ng Cardinal na si Juanito Vidal at si Cebu Archbishop Jose Palma na siya rin pangunahing nangangasiwa sa burol ng yumaong Cardinal.

Kaugnay nito, idineklara na rin ni Pangulong Duterte na holiday sa Cebu sa araw ng libing ni Cardinal Vidal sa ika-26 ng Oktubre upang magkaroon ng sapat na panahon ang mga mananampalataya na maipakita ang kanilang huling paggalang at pagdadalamhati sa pagpanaw ng Cardinal na 29 na taon na nagsilbi nilang Arsobispo ng Archdiocese of Cebu.

Una nang kinumpirma ng Archdiocese of Cebu ang paglilibing kay Cardinal Vidal sa libingan ng mga Obispo sa likod mismo ng Cebu Metropolitan Cathedral sa ika-26 ng Oktubre.

Si Cardinal Vidal ay pumanaw noong ika-18 ng Oktubre sa edad na 86 na taong gulang.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 52,630 total reads

 52,630 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 132,153 total reads

 132,153 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 165,600 total reads

 165,600 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 200,898 total reads

 200,898 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 425,325 total reads

 425,325 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top