31,459 total views
June 29, 2020, 12:00NN
Manila, Philippines – Ibinahagi ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio “Ambo” David, Vice-President ng Catholic Bishops Conference of the Philippines na nakapa-seryoso ang epekto ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas.
Inihayag ni Bishop David na magiging matindi ang epekto ng COVID-19 pandemic sa food security ng bansa bagama’t hindi pa ito nare-realized ng taumbayan partikular na ang mga namumuno sa bansa.
Ikinalulungkot ni Bishop David ang mga ulat na nakarating sa kanya na ibinibenta ng mga magsasaka ang kanilang lupang sinasaka upang mapaaral o kaya makapag-abroad ang mga anak dahil sa matinding epekto ng pandemya sa kabuhayan.