349 total views
June 29, 2020, 1:53PM
Tiniyak ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na hindi hadlang ang pandemya sa mga pastoral work ng simbahan.
Ayon kay Bishop David, bawat Parokya ng diyosesis ay patuloy na pinalalakas ang Social Communications Ministry bilang pangunahing daan ng mga programa ng simbahan lalu na sa paghuhubog at pagsasanay.
Kabilang na dito ang mga seminar, formation, conference at recollection.
“We have to empower the people to be able to..to do teleconferencing. Ngayon kunwari nanawagan ang isang formation sessions, family and life, may conference, seminar, retreat and recollection hindi naman porke may pandemya ay hindi magpapatuloy ang ating mga formation session,” pahayag ni Bishop David sa Pastoral Visit on-the-air ng Barangay Simbayanan.
Ayon sa Vice-President ng CBCP, ito ang hatid na biyaya ng makabagong teknolohiya na malaking tulong lalu na ngayong panahon ng pandemya.
Unang itinuturing ng obispo na nagsilbling lifeline ng simbahan ang communications ministry ng simbahan lalu na sa paghahatid ng mga misa at ilan pang gawaing simbahan.
Simula nang ipatupad ang lockdown noong Marso naging daan ang internet at social media bilang tagapagpadaloy ng salita ng Diyos ng simbahan.
ABUSES WITHIN FAMILY DUE TO LOCKDOWN
Inihayag ng Obispo na sa Diocese of Kalookan ay kanilang ini-introduce ang psycho-spiritual seminars at mga interactions online.
Sinabi ni Bishop David na ito ay tugon sa nagaganap na mental health issues na lumalabas sa mga tao dahil sa pandemya.
“Ito ay related sa aming ministry na noon ay naikwento ko na sa radio ang kaagapay-the ministry of accompaniment. Sa panahon ng pandemya ang daming mental health issues na lumalabas sa mga tao. Yung stress, depression, abused, trauma lahat ‘yan tumitindi, ngayon kailangan nandyan din ang simbahan para makatugon doon sa mga ganiyang klaseng issues”.paglilinaw ng Obispo
HOPE LINE
Upang tugunan ang mental health issues ng mamamayan, itinatag ng Diocese of Kalookan ang “hope line” na magsisilbing spiritual o guidance ng mga professional psychiatrist.
“Kailangan may hotline we call it a hope line. So naglabas kami ng hopeline para sa amin within our diocese kapag kailangan nila ng ganiyang klase ng guidance whether guidance ng isang pari na spiritual o guidance ng isang psychiatrist na professional or guidance kahit accompaniment lang ng isang non-professional mental health worker ay ma-provide.”pahayag ng Obispo sa Radio Veritas