Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

CBCP official sa Anti-terror bill: Pagmamahal sa bayan, mamamayan dapat manaig

SHARE THE TRUTH

 443 total views

Patuloy na umaasa ang opisyal ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) na hindi magiging ganap na batas ang Anti-terrorism bill.

Ito ayon kay CBCP vice-president, Kalookan Bishop Pablo Virgilio David ay sa kabila ng mabilis at minadaling pagpasa ng panukala sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

“Sana ang patriotism manatili pa rin. Ngayon nasa antas tayo ng panalangin, na nanalangin tayo na sana ‘wag naman itong maisabatas kasi meron namang mga available na batas to address the problem of terrorism and criminality. Pero wag naman nating iku-kompromiso yung the possibility ng violations of human rights,” ayon kay Bishop David sa programang Pastoral Visit on-the-air ng Barangay Simbayanan.

Ang panukala ay una na ring sinertipikahang ‘urgent’ ng Pangulong Rodrigo Duterte at kasalukuyan nasa kaniyang tanggapan para sa pagsusuri at paglagda ng punong ehekutibo.

Panawagan din ng Obispo sa mamamayan na maging mapagbantay sa mga panukala lalu’t may kinalaman dito ang kalayaan at demokrasya lalu’t hindi lahat ng mga panukala ay maglilingkod para sa kabutihan ng mas nakakarami. Giit pa ng Obispo, isa rin batayan ng demokrasya ay ang pagkakaroon ng patas na kapangyarihan ang mga sangay ng pamalaan–ang hudikatura, lehislatura at ehekutibo.

“Hindi maganda kapag idinidikta ng executive, pati yung judiciary, pati yung legislative. Sira, wasak ang inyong gobyerno kapag ganiyan. Yan ang isang bagay natutunan na natin sa ating history kaya sana wag na nating uulitin,” dagdag pa ni Bishop David.

Giit pa ng Obispo, hindi na dapat maulit ang martial law lalu’t napatunayan na sa kasaysayan ang naging dulot nito sa mga Pilipino. Binigyan diin pa ni Bishop David na hindi rin natataon ng pagsasabatas ng Anti-terrorism bill lalu’t nahaharap sa malaking suliranin ang bansa dulot ng pandemic novel coronavirus. Ayon pa kay Bishop David, “So yun ang perspektibo ng simbahan parang isantabi muna natin yung mga pansarili yung mga pulitika, yung dibisyon at magkaisa naman tayo.”

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 8,437 total views

 8,437 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 24,526 total views

 24,526 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 62,300 total views

 62,300 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 73,251 total views

 73,251 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 18,181 total views

 18,181 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

Bank Secrecy Law, pina-aamyendahan

 3,062 total views

 3,062 total views Isinusulong ni Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez ang House Bill No. 7 na naglalayong amyendahan ang Bank Secrecy

Read More »

50-pesos na wage hike, binatikos

 23,034 total views

 23,034 total views Nilinaw ni Kamanggagawa Partylist Representative Elijah San Fernando na hindi dapat ikatwiran ang maliliit na negosyo upang hadlangan ang isinusulong na legislated wage

Read More »
Scroll to Top