Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Ipagdasal ang Santo Papa

SHARE THE TRUTH

 464 total views

June 29, 2020, 9:00AM

Hinimok ng tagapangasiwa ng Arkidiyosesis ng Maynila ang mananampalataya na ipagdasal ang Santo Papa sa kanyang misyon na pangasiwaan ang kawan ng Diyos na ipinagkatiwala sa kanyang pangangalaga.

Ito ang mensahe ni Bishop Broderick Pabillo sa pagdiriwang ng Pope’s Day ngayong 2020 sa gitna ng krisis na dulot ng corona virus disease 2019 pandemic na higit nakakaapekto hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong daigdig.

Ayon sa Obispo, higit na kinakailangan ni Pope Francis ang mga panalangin lalo’t malaki ang ginagampanan nito sa lipunan sa paghikayat na manatiling positibo sa gitna ng negatibong epekto ng pandemya sa bawat mamamayan.

“Ipagdasal natin ang Santo Papa ‘yan po yung dahilan ng Pope’s Day na tayo’y makiisa sa kanya lalong lalo na sa panahon ngayon na malaki po ang papel ng Santo Papa to encourage all of us sa panahon ng pandemic na dapat hindi tayo panghinaan ng loob,” bahagi ng pahayag ni Bishop Pabillo sa panayam ng Radio Veritas.

Batay sa nakaugalian, may Banal na Misa ang taunang ipinagdiriwang sa Minor Basilica of the Immaculate Conception o Manila Cathedral sa pangunguna ng arsobispo.

Ngayong taon pansamantalang kinansela ang pagdiriwang dahil sa patuloy na pagpaigting ng community quarantine bilang pag-iingat na magkahawa-hawa ang mamamayan.

Sa pagdiriwang ng Pope’s Day, karaniwang nag-iimbita ang Apostolic Nunciature ng Pilipinas ng mga matataas na opisyal ng pamahalaan at iba pang foreign dignitaries sa bansa ngunit ipinagpaliban ito ngayong taon bunsod na rin ng pandemya.

Kaugnay dito, isang pribadong misa ang pangungunahan ni Bishop Pabillo sa Nunciature ganap na ika – 11 ng umaga na dadaluhan ng mga kawani at ilang pari.

Bukod dito hiling din ni Bishop Pabillo ang panalangin na mawakasan na ang COVID-19 pandemic at manumbalik na sa normal ang sitwasyon.

Dasal din ng Obispo ang pagtatalaga ng bagong kinatawan ni Pope Francis sa Pilipinas na kasalukuyang sede vacante makaraang maitalaga si Archbishop Gabrieli Giordano Caccia bilang Permanent Observer ng Santo Papa sa United Nations.

Ang Pope’s Day ay ipinagdiriwang kasabay ng Kapistahan nina Apostol San Pedro at San Pablo tuwing ika – 29 ng Hunyo.

Ito ay isang tradisyunal na pagdiriwang ng Simbahan bilang pagbibigay parangal kay San Pedro na itinalaga ni Hesus bilang unang Santo Papa ng Simbahang Katolika.

Si Pedro rin ang kauna-unahang Obispo sa Roma na itinalaga ni Hesuskristo habang si Pablo naman ang namuno sa mga apostol.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pekeng sakripisyo

 6,586 total views

 6,586 total views Mga Kapanalig, katulad ng ibang pagdiriwang sa ating bansa—gaya ng Pasko at Bagong Taon—basura din ang iniwan ng paggunita ng mga Katoliko sa

Read More »

Paalam at maraming salamat, Lolo Kiko!

 14,902 total views

 14,902 total views Mga Kapanalig, nakakasiyang marinig na “mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng kanyang mga banal,” ayon sa Mga Awit 116:15. Nagluluksa ang

Read More »

Pope Francis

 33,634 total views

 33,634 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 50,144 total views

 50,144 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 51,408 total views

 51,408 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Related Story

Cultural
Norman Dequia

Conclave,itinakda sa May 7,2025

 1,083 total views

 1,083 total views Itinakda ng College of Cardinals ang pagsisimula ng conclave sa pagpili ng bagong santo papa sa May 7. Ito ang napagkasunduan ng mga

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top