Archbishop elect Cabantan, nagpapasalamat sa mga mananampalataya ng Diocese of Malaybalay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 671 total reads

June 28, 2020, 10:32

Kinilala at pinasasalamatan ng bagong talagang arsobispo ng Cagayan de Oro ang mga mananampalataya ng Diyosesis ng Malaybalay Bukidnon dahil sa malaking ambag nito sa paghubog bilang pastol ng simbahang katolika.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Archbishop- elect Jose Cabantan, sinabi nitong ang mananampalataya ng Malaybalay ang tumulong sa kanya upang maging mabuting obispo sapagkat hindi ito napag-aralan sa loob ng seminaryo o sa kahit anong silid aralan kundi sa mga tunay na karanasan kasama ang mga pari at layko ng diyosesis.

“Para sa Diocese ng Malaybalay malaki ang aking pasasalamat sa pakikipag-ugnayan sa kanila, sila ang tumulong sa akin kung paano mamuhay at maging mabuting obispo sapagkat hindi ito napag-aaralan but you have to find your way kung mapipili kang obispo,” pahayag ni Bishop Cabantan sa Radio Veritas.

Labis din ang pasasalamat ni Archbishop-elect Cabantan sa mga pari, madre, at mga relihiyoso na naging katuwang niya sa pamamahala at paggabay sa mahigit isang milyong Katoliko sa lugar kung saan pinalalakas ang pundasyon ng maliliit na komunidad sa pamamagitan ng Basic Ecclesial Communities.

Ika – 23 ng Hunyo ng hinirang ang obispo bilang kahalili ng nagretirong si Archbishop Emeritus Antonio Ledesma makaraang maabot ang mandatory retirement age nito.
Bagamat hindi na bago kay Archbishop Cabantan ang Cagayan De Oro, tiniyak naman nitong makipag-ugnayan ito sa mga pari at mga komunidad sa arkidiyosesis upang alamin ang kasalukuyang sitwasyon at makapagbalangkas ng mga programang angkop na makatutulong sa pagpapalago ng pananampalataya sa lugar.

Kasalukuyang pinamumunuan ng bagong arsobispo ang Commitee on Basic Ecclessial Communities ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines.

Sa August 28, 2020, pormal na i-install si Archbishop Cabantan bilang Arsobispo ng Cagayan de Oro kasabay ng kapistahan ni San Agustin.

Radyo Veritas 846, kinilala ng RMAF

 15,356 total reads

 15,356 total reads Binigyang-diin ni Ramon Magsaysay Award Foundation (RMAF) President Susanna Afan ang kahalagahan ng pagkukuwento sa pagpapalalim ng pagkakaunawaan at pagpapalapit ng mga mamamayan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MADALDAL KULANG SA GAWA

 74,082 total reads

 74,082 total reads Kapanalig, magaling itong si Department of Interior and Local Government secretary Jonvic Remulla. Sa press release lalu na sa pagsasalita sa media, magaling

Read More »

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 159,449 total reads

 159,449 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 206,185 total reads

 206,185 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 254,056 total reads

 254,056 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 354,397 total reads

 354,397 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top