33-taon matapos ang EDSA People Power revolution, alipin pa rin ang mga Filipino

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,399 total reads

Hindi pa rin nagtatapos ang panawagan para sa pagbabago makalipas ang 33-taon ng EDSA People Power Revolution.

Ayon kay Fr. Anton Pascual, Pangulo ng Radyo Veritas, napagtagumpayan ng sambayanang ang diktadurya sa ilalim ng rehimeng Marcos ay hindi pa rin nagtatapos ang pagkaalipin ng mga Filipino lalu na sa kahirapan dulot ng katiwalian at dinastiya.

“Kayat hindi pa tapos ang diwa ng rebolusyon. Lumaya tayo sa kuko ng mga makapangyarihan, at kuko ng kahirapan at kasamaan ng korapsyon!,” ayon kay Fr. Pascual sa panayam ng Radio Veritas.

Iginiit ng pari na kinakailangang pa ring ipagtuloy ang rebolusyon o ang pagbabago ng lipunan para maghari ang pag-ibig at katarungan ng Panginoon.

“Alam natin na ang bansang Pilipinas ay paghahari lang ng 50-pamilyang mayayaman oligarchy at ang naghahari lang sa politika ay wala pang dalawang daang pamilya, ang humahawak at kumikitil ng ating politika sa bansang Pilipinas dahil nga dito sa family dynasty,” ayon kay Fr. Pascual.

Ipinaliwanag ng Pari na ang EDSA Revolution ay hamon sa pagbabago ng lipunan na ang dapat na maghari ay ang pag-ibig, kapayapaan at katarungan ng Diyos.

Naniniwala rin ang Pari na hindi dapat kalimutan ang nagdaang ‘bloodless revolution sapagkat ito ay isang biyaya ng Panginoon na naging daan para makamit ang demokrasya sa Pilipinas.

“Kayat dapat nating ipagpatuloy sapagkat hindi pa tapos ang ating rebolusyon at hangad na lumaya, madami pang umaalipin sa atin tulad ng kahirapan, tulad ng korapsyon, tulad ng kriminalidad ano at marami pang tulad ng pagka-kanya-kanya at pakasira ng ating kalikasan,” ayon pa sa pari.

Sa nalalapit na anibersaryo ng Edsa People Power, magiging kinatawan ng Simbahang Katolika si Father Pascual sa ecumenical prayer kasabay na rin ng flag raising ceremony at wreath laying sa ika-25 ng Pebrero, 2019.

Una na ring tumanggap ng pagkilala mula sa Edsa People Power Commission ang Radyo Veritas sa pamamagitan ni Fr. Pascual sa naging bahagi ng himpilan sa naganap na ‘bloodless revolution’ noong 1986.

Iginawad din sa Radio Veritas ang “Ramon Magsaysay Award for Journalism, Literature and the Creative Communication Arts dahil sa walang takot na paninindigan sa katotohanan at diktaduryang Marcos.

Ang Radio Veritas-ang tanging himpilan ng radyo na naging daan sa panawagan ng noo’y si Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin para sa sama-samang pagdarasal at pagtitipon sa Edsa na naging susi sa pagpapatalsik sa diktaduryang Marcos.

Ayon kay Fr. Pascual, isang karangalan ang naging bahagi na ginampanan ng Radio Veritas para makamit ang kalayaan ng bawat Filipino mula sa ilalim ng mapaniil na gobyerno.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kahirapan sa bansa

 212,493 total reads

 212,493 total reads Mga Kapanalig, tinatayang anim na milyong Pilipino ang nakaahon na sa kahirapan.  Ayon iyan sa Philippine Statistics Authority (o PSA). Bumagsak sa 9.7%

Read More »

Inhustisya sa gitna ng krisis sa klima

 247,166 total reads

 247,166 total reads Mga Kapanalig, nakikiramay tayo sa mga taga-Nepal Matapos ang isang nakapanlulumong trahedyang nangyari doon. Noong nakaraang linggo, magkasunod na flash floods at mudslides

Read More »

Bayan, hindi bayad

 263,066 total reads

 263,066 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 299,556 total reads

 299,556 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 305,540 total reads

 305,540 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top