Pakikibahagi ng kabataan sa electoral education, isusulong ng Archdiocese of Cagayan de Oro.

SHARE THE TRUTH

 203 total views

Isusulong ng Archdiocese of Cagayan de Oro ang aktibong pakikibahagi ng mga kabataan sa mga gawaing may kaugnayan sa nakatakdang May 2019 Midterm Elections.

Ayon kay Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma, mahalagang maging bukas ang mga mata ng kabataan sa tamang proseso ng eleksyon sa pamamagitan ng aktibong pakikisangkot sa halalan.

Tinukoy ng Arsobispo ang pagsusulong ng arkediyosesis sa aktibong pakikibahagi ng mga kabataan bilang volunteer sa National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) at Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) na pawang nagsisilbing tagapagbantay sa proseso ng halalan sa bansa.

Iginiit ni Archbishop Ledesma na mahalaga rin matutong kumilatis ng mga kandidato ang mga kabataan upang makapaghalal ng mga karapat dapat sa posisyon.

“Sa amin dito is really to also involve the youth in electoral education sapagkat sila rin ang mga young voters and we will asked them again to join NAMFREL and PPCRV but at the same time we will also ask them to help in forming yung mga circles of discernments and also to be involve in what we call principle partisan politics it is still part of the role of the young people to know their future and to vote for the right person working for the common good…” pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam sa Radyo Veritas.

Kaugnay sa nalalapit na midterm elections, naglabas ng mga pamantayan ang Archdiocese of Cagayan de Oro na magsisilbing patnubay ng mga botante sa pagpili ng mga kandidatong dapat na ihalal sa May 13, 2019 Midterm Elections.

Ayon kay Archbishop Ledesma, tinatawag ang pamantayan na “5 C’s For Voting For People Who Work For The Common Good” na layuning magabayan ang mga botante sa pagpili ng mga karapat-dapat na opisyal para sa bayan.

5 C’S FOR VOTING FOR PEOPLE WHO WORK FOR THE COMMON GOOD

Pagbabahagi ng Arsobispo, dapat na maging mapanuri ang mga botante sa pagkilatis sa mga kandidato batay sa kanilang Conscience, Competence, Compassion, Companion at Commitment.

Ipinaliwanag ni Archbishop Ledesma na kailangang suriin ang “Conscience” ng mga kandadito lalo na ang kanilang moral na integridad sa pagsusulong ng karapatang pantao at paninindigan mula sa katiwalian na nagaganap sa pamahalaan.

Binigyang diin rin ng Arsobispo na mahalagang suriin ang “Competence” o kakayahan at kaalaman ng mga kandidato sa kanilang pagganap sa posisyon at ang kanilang pagkakaroon ng Compassion o puso para sa mga mahihirap at batayang sektor ng lipunan.

“Ang unang C is Conscience that the person has to be a person of moral integrity and defender of human right also a person that is above corruption. Our second C would be Competence whether he is capable of governing, what is education background, what is his personal situation physically and mentally also his record of service does he have a track record of serving in public office. Ang third C would be in terms of Compassion is he pro-poor, pro-minority groups, is he working for social justice to work against the inequality in our society or does he exhibit pa nga elitist leaning so this is part of being compassionate that there should be an option for the poor.” pagbabahagi ni Archbishop Ledesma.

Hinimok din ni Archbishop Ledesma ang mga botante na mahalagang kilalanin ang pagkatao ng mga kandidato at kilatisin ang mga Companion o mga taong nakapaligid sa kanilang kandidatura na may impluwensiya sa pagganap nito sa kanyang tungkulin.

Sa huli iginiit ng Arsobispo na mahalaga ang Commitment at ang prinsipyo ng mga kandidato pagdating sa pagiging makatao, maka-Diyos, makabayan at makakalikasan na lubos na kinakailangan sa pagsusulong ng kapakanan ng taumbayan.

“Ang forth C will be more in terms of Companion, who are the companions of the candidate, what is their record, their reputation, what is the political party of the candidate and what are his political alliances, also does he belong to a political dynasty both vertical or horizontal because in many ways companionship o yung mga kasama niya sa politika is also important to know. And the final C is really Commitment whether the person has principles that he is committed to makatao ba siya, maka-Diyos, makabayan, makakalikasan and also does he work on these principles, what also is his stand on key issues like environmental protection also about foreign relation so these are all part of the current issues that we have to examine the candidates for. So itong 5 C’s we call them really “5 C’s For Voting For People Who Work For The Common Good” and we hope that this can also be shared with many other groups.” paglilinaw ni Archbishop Ledesma.

Sa pamamagitan ang naturang mga pamantayan, umaasa si Archbishop Ledesma na maging epektibo itong patnubay sa mga botante sa pagpili at paghalal ng mga karapat-dapat na opisyal ng bayan.

Batay sa tala, may mahigit sa 1.4-na milyon ang bilang ng mga mananampalatayang Katoliko sa Archdiocese of Cagayan de Oro na pawang tinatawagan upang manindigan sa katotohanan at maging katuwang sa misyon ng Simbahan sa pagpapalaganap ng Mabuting Balita ng Panginoon.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Kamag-anak, Inc.

 61,666 total views

 61,666 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »

Diplomasya ang susi

 65,645 total views

 65,645 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »

Educator sa DepEd

 76,537 total views

 76,537 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 88,979 total views

 88,979 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »

Hamon ng Climate Change

 99,741 total views

 99,741 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Watch Live

catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Mamamayan, hinimok na makiisa sa rosary fluvial procession para sa kapayapaan

 41 total views

 41 total views Nagpaabot ng pasasalamat si Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas sa lahat ng tumugon at nakikibahagi sa 50-Day Rosary Campaign para sa kapayapaan sa inaangking teritoryo ng China sa West Philippine Sea. Ayon sa dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines, mahalaga ang pakikiisa ng bawat mananampalataya sa pananalangin ng kapayapaan at kaligtasan

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Panindigan na pag-aari ng Pilipinas ang WPS, hamon ng Obispo sa pamahalaan

 220 total views

 220 total views Nanindigan ang isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na hindi maaring balewalain ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration sa The Hauge Netherlands na pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea noong June 12, 2016. Ito ang binigyan diin ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo, chairman ng CBCP – Office

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

MAPODE, umanib sa SCAD

 4,306 total views

 4,306 total views Lumahok sa Super Coalition Against Divorce (SCAD) ang prayer group ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance and Exorcism (MOPODE) bilang pakikiisa sa paninindigan ng Simbahan laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Opisyal na inanunsyo ang pakikilahok at pagsali sa kowalisyon ng Military Ordinariate of the Philippines Office of Deliverance

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Matagumpay na pagpupulong ng CBCP, panalangin ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas

 5,156 total views

 5,156 total views Nagpaabot ng panalangin ang Sangguniang Laiko ng Pilipinas para sa 128th Plenary Assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), na sa kauna-unahang pagkakataon ay isasagawa sa Mindanao. Ayon kay LAIKO Vice-President for Mindanao Atty. Proculo Sarmen, mahalagang ipanalangin ang paggabay ng Banal na Espiritu para sa mga Obispo na nagsisilbing pastol

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Lagman, binatikos ng SCAD

 5,510 total views

 5,510 total views Binigyang diin ng Super Coalition Against Divorce (SCAD) na ang paninindigan ng iba’t ibang mga faith-based groups laban sa pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas ay nakabatay sa katotohanan at hindi sa pagkukunwari o “religious hypocrisy”. Ito ang tugon ng grupo sa patutsada ni Albay 1st District Representative Edcel Lagman sa paninindigan ng Couples

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

De Lima, kakasuhan ang mga nagpakulong sa kanya

 19,735 total views

 19,735 total views Inihayag ni dating Senador Leila De Lima ang planong pagsasampa ng kaso laban sa mga nasa likod ng kanyang pagkakakulong sa loob ng nakalipas na pitong taon. Ito ang ibinahagi ni De Lima sa programang ‘Oras ng Bayan’ sa himpilan ng Radyo Veritas. Inihayag ng dating Senador ang paninirang puri, pagkasira ng reputasyon

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

St. John the Baptist church sa Camalig Albay, idineklarang importany cultural property

 12,904 total views

 12,904 total views Opisyal na idineklara ng National Museum of the Philippines bilang isang Important Cultural Property ang St. John the Baptist Church sa Camalig, Albay na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Diyosesis ng Legazpi. Naganap ang paghahawi ng tabing sa panandang pangkasaysayan noong ika-24 ng Hunyo, 2024 kasabay ng Dakilang Kapistahan ng Kapanganakan ni San

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Suporta sa naiwang pamilya ng EJK victims, paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation

 13,370 total views

 13,370 total views Paiigtingin ng Arnold Janssen Kalinga Foundation ang suporta sa pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings sa marahas na implementasyon ng war on drugs ng nakalipas na administrasyong Duterte. Sa ilalim ng Program Paghilom ay nagkakaloob ng iba’t ibang tulong at suporta ang organisasyon para sa naiwang asawa, magulang at anak ng mga

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Partisipasyon at paninindigan ng mga layko sa usaping panlipunan, paiigtingin

 17,881 total views

 17,881 total views Tiniyak ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang lalong pagpapaigting sa kamalayan at aktibong partisipasyon ng layko sa mga usaping panlipunan sa bansa. Ito ang ibinahagi ni LAIKO National President Francisco Xavier Padilla sa mga nakahanay na gawain ng implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Ipagdasal ang mga opisyal ng pamahalaan at simbahan, panawagan ng military bishop sa mamamayan

 19,475 total views

 19,475 total views Hinimok ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga mananampalataya na ipanalangin ang mga opisyal ng pamahalaan at Simbahan upang maging mabuting lingkod at tagapaggabay sa bawat isa. Ito ang bahagi ng mensahe ni Military Ordinariate of the Philippines Bishop Oscar Jaime Florencio sa paggunita ng ika-126 na

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Obispo, hinamon ang mga Pilipino na manindigan sa pananakop ng dayuhang bansa

 20,953 total views

 20,953 total views Binigyang diin ng isang opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang pagiging katiwala ng bawat Pilipino sa kalayaang biyaya ng Panginoon sa bansa. Ito ang paalala ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo – chairman ng CBCP-Office on Stewardship sa pagdiriwang ng ika-126 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas sa ika-12

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SLP, palalawakin ang kaalaman ng mamamayan laban sa divorce

 21,075 total views

 21,075 total views Naninindigan ang implementing arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) – Episcopal Commission on the Laity laban sa panukalang pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Ipinahayag ni Francisco Xavier Padilla, pangulo ng Sangguniang Laiko ng Pilipinas ang paninindigan sa kasagraduhan ng kasal na maisasantabi sa isinusulong na absolute divorce sa bansa. Pagbabahagi

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Maling pamamahayag ng isang TV station, pinuna ng CBCP President

 19,508 total views

 19,508 total views Pinuna ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David – pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang maling pamamahayag ng isang media outlet kaugnay sa naganap na tension sa pagsasagawa sana ng transition sa pamunuan ng St. Joseph Parish sa Gagalangin Tondo, Maynila noong ika-4 ng Hunyo, 2024. Sa personal na Facebook

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Tagbilaran Cathedral, kinilala ng NHCP

 18,527 total views

 18,527 total views Binigyang pagkilala ng Pambansang Komisyong Pangkasaysayan ng Pilipinas ang Diocesan Shrine and Cathedral-Parish of Saint Joseph the Worker sa Tagbilaran, Bohol o mas kilala bilang Tagbilaran Cathedral para sa mahalagang ambag nito sa kasaysayan ng bansa. Pinangunahan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy ang unveiling ng national historical marker na matatagpuan sa harapang bahagi

Read More »
Latest News
Reyn Letran - Ibañez

Say no to divorce, panawagan ng Obispo sa mamamayan

 17,998 total views

 17,998 total views Manindigan sa kasagraduhan ng kasal at pamilya sa kabila ng mga taliwas na opinyon ng iba o ng mas nakararami. Ito ang panawagan ni Tagbilaran Bishop Alberto Uy kaugnay sa usapin ng pagsasabatas ng diborsyo sa Pilipinas. Ayon sa Obispo, ang moralidad at paninindigan sa isang usaping panlipunan ay hindi dapat na ibatay

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top