4-day work week, parusa sa mga manggagawa

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 429 total views

Naninindigan si Bukluran ng Manggagawang Pilipino (BMP) Chairman Leody De Guzman na parusa sa mga mangaggawa ang House Bill 6152 o Compressed work week bill.

Ayon kay De Guzman, hindi kailangan ng mga manggagawa ang mas maikling araw na igugugol sa paghahanap-buhay bagkus ay mga programang susugpo sa kontraktwalisasyon at magtataas sa arawang suweldo.

Sinabi ni de Guzman na malinaw na pagsalungat sa pandaigdigang patakaran hinggil sa walong oras ng paggawa ang panuklang batas at palusot lamang ito upang tanggalin ang 30-porsiyento na overtime pay na natatanggap ng mga empleyado sa bawat oras na kanilang ginugugol na lagpas 8-hour work.

“Ang problema n’yan bigay sila ng bigay ng bagay na hindi naman hinihingi ng mga manggagawa. Hindi namin hinihingi na gawing 12 oras ang amin pagtatrabaho sa araw-araw para kami ay makapagpahinga. Iyan ay kanilang palusot para maging normal na sa Pilipinas ang pagtatrabaho ng 12 oras na walang overtime pay,” ani De Guzman.

Sa ilalim ng House Bill 6152, ang isang empleyado ay kinakailangang magtrabaho ng 48-oras sa loob ng apat na araw o katumbas ng 12 oras kada araw kung saan tanging ang manggagawa na magtatrabaho ng higit sa 48 oras ang siyang tatanggap ng overtime pay.

Kaugnay nito ay nangangamba si De Guzman na maaaring samantalahin ng malalaking kapitalista at kompanya ang mga manggagawa at pagtrabahuhin ng higit sa nakatakdang working days.

Mababatid na pumasa na sa huli at ikatlong pagbasa ang panukalang batas.

Higit sa salapi, inihayag ng Kanyang Kabanalan Francisco na ang paglinang sa sariling kakayahan at talento ang mas mahalagang bagay na itinuturo ng paghahanap-buhay sa isang tao.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 62,598 total views

 62,598 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 62,598 total views

 62,598 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 62,598 total views

 62,598 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 60,674 total views

 60,674 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 55,401 total views

 55,401 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Our dear people in government

 194,876 total views

 194,876 total views CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top