180 total views
Umaasa ang Archdiocese of Jaro, Iloilo na hindi matutulad ang kanilang lalawigan sa naganap sa Albuera, Leyte at Ozamis City sa ilalim ng pamumuno ni Chief Inspector Jovie Espenido na kamakailan lamang ay itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang officer-in-charge ng Iloilo City Police.
Ayon kay Msgr. Meliton Oso, Social Action Director ng Archdiocese of Jaro, una nang nanawagan ang Simbahan sa mga Ilonggo na maging maingat at mapagmatyag sa mga nagaganap sa kanilang pamayanan.
Ipinaliwanag ng Pari na bagamat kaisa ng pamahalaan ang buong Arkideyosesis ng Jaro sa pagnanais na masugpo ang problema ng illegal na droga ay patuloy ang kanilang paninindigan laban sa extra-judicial killings bilang paraan ng pagsugpo sa problema.
“We Ilonggos are peace loving and we don’t want to happen to this beloved city and province of ours what happened in Albuera and what happened and Ozamis City and we are asking our people to be very vigilant because we are against Extra-judicial killings while we profess we want the drug problem to be truly and genuinely solve but not through extra-judicial killing…” paglilinaw ni Msgr. Oso sa Radio Veritas
Nakatakdang magpalabas ng isang opisyal na pahayag ang Archdiocese of Jaro, Iloilo upang maipaabot kay Pangulong Rodrigo Duterte na mali ang kanyang mga naging pahayag patungkol sa pagiging laganap ng illegal na droga sa lalawigan ng Iloilo.
Giit ni Msgr. Oso, walang katotohanan ang sinabi ng Pangulo sa pagiging “shabulized” at “bedrock of shabu” ng Iloilo na una na ring kinumpirma ni PNP Chief Ronald dela Rosa sa panayam ng isang lokal na estasyon ng radio sa lalawigan.
“Our response is not specifically for Espenido but we will be hopefully coming up with a statement telling the President that what he is saying is not true because sources, documents are saying we are not shabulized, we are not the bedrock of shabu and even the PNP Chief Dela Rosa was interviewed by other local radio station and he was saying Iloilo is not shabulized and he didn’t tell the President that…”Dagdag pa ni Msgr. Oso.
Matatandaang naging kontrobersyal at mas nakilala ang pangalan ni Espenido matapos na mapatay sa operasyon ng mga pulis laban sa ilegal na droga ang dalawang alkalde kung saan siya dating nakatalaga – si Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr. na napatay mismo sa loob ng kulungan at si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog na napatay naman sa loob ng kanyang bahay.
Kaugnay nito may 3 kasalukuyang alkalde sa lalawigan ang kabilang sa “Narco List” ng Pangulo, kabilang na sina Iloilo City Jed Mabilog, Calinog Mayor Alex Centena at Carles Mayor Sigfredo Betita.
Kaugnay nga nito sa kabila ng pagsuporta ng Simbahang Katolika sa mga programa ng pamahalaan ay mariin nitong kinokondena ang mga serye ng pagpaslang ng mga otoridad at Extra judicial killings.
Read: