Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Tolling of bells kontra EJK at terorismo, isasagawa sa Archdiocese of Cagayan de Oro

SHARE THE TRUTH

 235 total views

Magpapatunog ng kampana ang lahat ng Simbahan na nasasakupan ng Archdiocese of Cagayan De Oro bilang pagkondena sa extra judicial killings at para sa mga nasawi sa drug war maging ang mga apektado ng digmaan sa Marawi.

Ayon kay Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma, isasagawa ang pagpapatunog ng kampana tuwing alas-8 ng gabi hanggang sa pagbawi ng martial law sa Mindanao.

Una na ring pinalawig ng pamahalaan ang pagpapatupad ng batas militar hanggang sa pagtatapos ng taon.

“We will also ring the church bells tuwing alas-8 ng gabi- ito ay may dalawang kahulugan. First we are against extra judicial killings, second we want also to remember the dead and the affected families sa crisis sa Marawi ngayon,” ayon kay Archbishop Ledesma.

Sa pinakahuling ulat higit sa 12 libo na ang napapaslang na may kaugnayan sa ilegal na droga.

Nagpalabas din ng pastoral letter ang arkidiyosesis para sa kanyang nasasakupan kaugnay na rin sa suliranin ng bansa na may kinalaman sa ilegal na droga.

Iginiit naman ni Archbishop Ledesma na malaki ang naitutulong ng community based rehabilitation para sa mga drug dependent.

Sa katunayan, sinabi ng Arsobispo na patuloy ang iba’t-ibang grupo sa programa kabilang na dito ang itinatag na Coalition for a Drug Free Society katuwang ang Department of Health at lokal na pamahalaan ng Cagayan De Oro.

Nauna rito, nananawagan si CBCP President Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na patunugin ang mga kampana para matigil na ang mga pagpatay sa operasyon ng mga otoridad sa mga pinaghihinalaang sangkot sa iligal na droga.

Read:

Ang Kampana ng Konsensiya

ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Walang education crisis?

 54,301 total views

 54,301 total views Mga Kapanalig, itinanggi ng Palasyo ng Malacañang na may education crisis sa ating bansa. May isang contestant kasi sa isang noontime show na

Read More »

Hindi sagot ang pag-unfriend

 66,018 total views

 66,018 total views Mga Kapanalig, kumusta ang inyong mga social media feed nitong nakaraang linggo? Punô ba ito ng mga balita, opinyon, o kaya naman ay

Read More »

Katarungang abot-kamay

 86,851 total views

 86,851 total views Mga Kapanalig, pinahahalagahan sa Banal na Kasulatan ang katarungan. Ayon sa Levitico 19:15, “Huwag kayong hahatol nang hindi makatarungan. Huwag ninyong kikilingan ang

Read More »

Truth Vs Power

 102,494 total views

 102,494 total views Sinasabi sa mga opinyon Kapanalig, “truth” when one who says it is in power, out of it, even critic and evidence doesn’t matter.

Read More »

Heat Wave

 111,728 total views

 111,728 total views Kapanalig, ramdam mo na ba ang maalinsangang panahon? Pinagpapawisan ka na ba sa init ng panahon? Ang mainit na panahon na sanhi ng

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Cultural
Marian Pulgo

From maintenance to a Mission church

 22,426 total views

 22,426 total views Ito ang isa sa pangunahing bunga ng isinagawang Synod on Synodality sa Vatican na nagsimula noong 2021 at nagtapos noong Oktubre 2024. Ayon

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top