Simbahang Katolika, nakikiisa sa pagdiriwang ng Eidl Adha

SHARE THE TRUTH

 290 total views

Nagpaabot ng kanyang pagbati at pakikiisa si Kidapawan Bishop Jose Colin Bagaforo sa mga kapatid na Muslim sa kanilang mahalagang kapistahan, ang Eidl Adha o ang Feast of Sacrifice.

Ayon sa Obispo, nawa ay mapayapang mairaos ang pagdiriwang at maging paalala sa bawat isa para sa pagpapasalamat sa Panginoon.

“Nakiisa ako sa kanila at ang aking pagbati na ito ay paalala na ang lahat ay nanggaling sa Diyos at ang ating buhay ay dapat nating ilaan sa Diyos upang maging makahulugan. Mapayapang pagdiriwang ng Eidl Adha,” pahayag ni Bishop Bagaforo.

Ang Eidl Adha ay isang Muslim celebration bilang paggunita sa ginawang sakripisyo ng propetang si Ibrahim na base sa Quran ay isang mabuting tagasunod ni Allah.

Karaniwan ding nagsasagawa ng pilgrimage ang mga Muslim sa sa Mecca sa Saudi Arabia–ang sinasabing birthplace ng propetang si Muhammad.

Ang Pilipinas ay binubuo ng higit sa 10 milyong mga Muslim o labing isang porsiyento ng kabuuang populasyon na 100 milyon at karaniwang naninirahan sa rehiyon ng Mindanao.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 4,654 total views

 4,654 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pampersonal o pambayan?

 42,464 total views

 42,464 total views Mga Kapanalig, malinaw sa ating Konstitusyon na ang bise presidente ay isang standby official. Nasasaad sa pinakamataas na batas sa ating bansa: “Kung

Read More »

GAME OF CHANCE

 84,678 total views

 84,678 total views Sa sugal walang nanalo.., walang yumayaman., sa sugal, ang sugarol ay laging talo. Dahil sa pagkagumon sa sugal, marami nang Pilipino ang nasira

Read More »

Battle of uncertainty

 100,203 total views

 100,203 total views Napakahaba na ng kasaysayan ng government corruption sa Pilipinas. Napakatibay ng ugat nito, ito ang napaka-panget na katotohanan sa pamamahala ng pamahalaan. Nagsisimula

Read More »

Gawing viral ang katotohanan

 113,327 total views

 113,327 total views Mga Kapanalig, “The truth shall set us free! Not AI, not fake news!” Ito ang pahayag ni House of Representatives spokesperson Princess Abante

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Economics
Jerry Maya Figarola

CWS, dismayado sa 50-pesos na wage increase

 16,361 total views

 16,361 total views Nadismaya ang Church People – Workers Solidarity National Capital Region (CWS-NCR) sa 50-pesos na wage hike sa mga manggagawang nasa Metro Manila. Ayon

Read More »

RELATED ARTICLES

Scroll to Top