29,038 total views
Sa gitna ng paggunita sa ika-127 Araw ng Kalayaan at Kapistahan ni Hesus na Walang Hanggan at Dakilang Pari, nanindigan ang grupong Clergy for Good Governance para sa katarungan, pananagutan, at katotohanan, sa pamamagitan ng isang mapayapang pagtitipon at pagdiriwang ng Misa na dinaluhan ng mga pari, madre, at mga mananampalataya.
Pinangunahan ang misa ni Novaliches Bishop-emeritus Antonio Tobias, kasama sina Fr. Nelson Orquieta ng Cubao, Fr. Joel Saballa ng Novaliches, Fr. Danny Pilario ng Adamson University, at Msgr. Danny Bituon ng San Pablo. Nakiisa rin ang mga religious sisters at iba’t ibang sektor ng simbahan sa panalangin para sa bayan.
Sa kanilang pahayag, inalala ng mga pari ang mga makasaysayang sandali kung saan ang mga Pilipino ay nanindigan para sa kabutihang panlahat.
“These days recall moments in our history when Filipinos, with courage and convictions, stood for the common good. Then, as now, we are called to walk in the Spirit of Justice and Truth,” bahagi ng pahayag ng CGG.
Mariin nilang iginiit na ang impeachment trial na kasalukuyang kinahaharap ng bansa ay isang pagsubok sa konsensiya at paninindigan sa batas. Ayon sa grupo, hindi ito dapat ituring na larong pampulitika kundi isang moral na tungkulin. Binigyang-diin din ng grupo na ang anumang pag-antala o tahimik na pakikitungo sa usapin ay anyo ng pakikiisa sa kawalang-katarungan.
“We strongly condemn the unconstitutional remanding of the impeachment complaint to the House of Representatives – a co-equal body,This action defies the Constitution and disrupts the sacred balance of power vital to a functioning democracy,” ayon pa sa pahayag.
Bilang simbolo ng pananalig at pagkakaisa, bitbit ng mga dumalo ang mga watawat ng Pilipinas at kandila na sinindihan sa misa. Ipinahayag ng grupo na ito ay sagisag ng pagmamahal sa bayan, panalangin, at pag-asa para sa isang bansang muling babangon sa liwanag ng katotohanan at katarungan.
May this Independence Day be a moment of grace, renewal, and moral courage.
Sa huli, nanawagan ang Clergy for Good Governance sa kapwa nila mga lingkod ng simbahan at sa sambayanang Pilipino.
“We call on our fellow clergy, religious and people of goodwill: Let us no grow weary of doing what is right. Let us walk with the people, not in partisanship, but in pastoral solidarity. Let us be witnesses to the light, especially when darkness threatens to prevail.”