Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 111,157 total reads

“Fear-mongering”… Walang kabuluhang aksyon, propaganda, pananamantala,.. layuning magdulot ng pangamba at takot upang maimpluwensiyahan ang opinyon at gawi ng mamamayan.

Kawawang manggagawa., Kapanalig, naiipit na naman tayong maliliit na manggagawa sa sanib-puwersa ng ilang mambabatas at malalaking employers.

Hindi magkakasundo ang Senado, Kamara at mga employers kung tataasan at magkano ang umento sa arawang minimum wage ng mga manggagawa.

Noong ika-4 ng Hunyo 2025, pinal na inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang House Bill No. 11376 o 200-peso legislated across the board wage increase na agad ipinadala sa Senado para sa bicameral conference committee. Hindi nagustuhan ng Senado ang bersyon ng Kamara… pagsasabotahe daw ito Kapanalig sa Senate bill 2534 o 100-peso legislated wage increase.
Sinasabi ng Senado, ang bersyon nila ay katanggap-tanggap sa mga malalaking employers..ipinagpipilitan naman ng Kamara na naangkop at karapat-dapat sa mga manggagawa ang 200-pesos na legislated wage increase na ipapatupad across the board sa buong Pilipinas.

Pero para sa Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), ang panukalang wage increase ay magdudulot ng mass lay-offs at malalaking problema sa ekonomiya.

Walang katuturang dahilan, kaya nga mayroong bicameral conference committee… dito pinag-iisa, pagsasamahin ang Senate at House version… at pagkakasunduan ang pinal na bersyon bago ipadala sa Office of the President na lalagdaan ng Pangulo ng Pilipinas upang ganap na maging batas.. Sino ang mananaig sa pagitan ng mga mambabatas, negosyante at manggagawa? Ikinatwiran ng Senado, kung house version ang susundin, baka ibi-veto lamang ito ng pangulong Marcos.. Di ba dapat ayusin at magkasundo muna ang dalawang kapulungan sa katanggap-tanggap na legislated wage increase na aprub sa mga negosyante at pangulo ng Pilipinas?

Ang problema at nakakadismaya Kapanalig, ngayon lang nagkukumahog ang Senado at Kamara, wala ng oras…nagde-debate ang mga mambabatas kung sino ang tama…kapos na sa oras… sa June 14, 2025 ay pormal na mag-aadjourns ang 19th Congress.. na naman., aamagin na naman ang panukala sa archives ng kongreso! Sino ang magsusulong nito sa 20th Congress kung ang pangunahing may akda ng panukala ay natalo sa nakaraang 2025 midterm elections? Paano kasi, bakit daw hindi iginiit ng liderato ng Kamara ang agarang pag-apruba sa legislated wage increase sa Legislative-Executive Development Advisory Council noong nakaraang ika-29 ng Mayo, 2025.

Kapanalig, sama-sama sana tayong uunlad kung isabuhay ng ating mga lider, mga negosyante ang panawagan ng namayapang Pope Francis noong August 24, 2024 sa 15th annual meeting sa Vatican ng International Catholic Legislators Network “to be witnesses of hope,” particularly for the younger generations, amidst the darkness of war overshadowing the world. Catholics are called “to find wisdom and strength to see beyond the clouds and, with the hope born of faith, to inspire others, especially the young, to work for a better tomorrow,”.

Sinasabi sa Compendium of the Social Doctrine of the Catholic Church: The Dignity of Work and the Rights of Workers.. The economy must serve people, not the other way around. Work is more than a way to make a living; it is a form of continuing participation in God’s creation. If the dignity of work is to be protected, then the basic rights of workers must be respected–the right to productive work, to decent and fair wages, to the organization and joining of unions, to private property, and to economic initiative.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Bayan, hindi bayad

 25,680 total reads

 25,680 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 62,827 total reads

 62,827 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 81,038 total reads

 81,038 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 165,366 total reads

 165,366 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 201,556 total reads

 201,556 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Bayan, hindi bayad

 25,681 total reads

 25,681 total reads Mga Kapanalig, ngayon ay National Heroes Day o Araw ng mga Bayani.  Sa araw na ito, kasama sa mga bayaning ginugunita natin ay

Read More »

SOP

 62,828 total reads

 62,828 total reads Kapanalig, sa day-19 ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa misused o maling paggamit sa 500-milyong pisong confidential fund ng Office

Read More »

PAANO MAIWASAN ANG SCHOOL VIOLENCE?

 81,039 total reads

 81,039 total reads Kapanalig, ang nangyayaring school violence sa ating bansa ay hindi matutugunan ng isang simpleng paghihigpit sa seguridad sa mga paaralan. Hindi rin sagot

Read More »

Halimbawa sa taumbayan

 165,367 total reads

 165,367 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »
Scroll to Top