National signing day for People’s Initiative, idadaos ng D1L Movement

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,854 total reads

Inihayag ng Dapat Isa Lang o D1L Movement ang planong pagdaraos ng National Signing Day for People’s Initiative para itulak ang isang “genuine anti-political dynasty law”.

Sa panayam kay Atty. Alex Lacson ng Dapat Isa Lang Movement Petitioner sa Radyo Veritas ay inihayag nito ang plano ng kilusan na pagsasagawa ng National Signing Day for People’s Initiative sa Hunyo 12, 2026 kasabay ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan.

Ayon kay Atty. Lacson, layunin ng nationwide campaign na makalikom ng mga lagda upang maisulong ang pagpasa ng isang tunay na Anti-Political Dynasty Law sa bansa sa pamamagitan ng People’s Initiative.

Pagbabahagi ni Lacson, kabilang sa pinaghahandaan ng kilusan ang pagtatakda ng mga lugar sa bawat distrito sa bansa kung saan maaring magtungo ang mga mamamayan upang lumagda ng pakikiisa sa pagsusulong ng isang tunay na Anti-Political Dynasty Law.

“Sa June 12 which is the National Independence Day sinet po natin yan as National Signing Day for People Initiative. Let’s make a national campaign na we will identify the areas kung saan pupunta ang mga tao sa distrito nila at doon po pupunta sila at mag-sign. National Signing Day for People Initiative, para makapasa tayo ng genuine na Anti-Dynasty Law, nationwide campaign ang gagawin natin.” Bahagi ng pahayag ni Atty. Lacson sa Radyo Veritas.

Isinusulong ng Dapat Isa Lang o D1L Movement ang pagpapatibay ng isang tunay na batas laban sa political dynasty sa pamamagitan ng People’s Initiative.

Ayon sa kilusan, layunin nitong wakasan ang siklo ng korapsyon at kahirapan na dulot na rin ng dominasyon ng iilang pamilya sa politika.

Iminumungkahi ng panukala na limitahan sa isang posisyon lamang ang maaaring hawakan ng isang pamilya sa bawat antas ng pamahalaan, saklaw ang mga kamag-anak hanggang ika-apat na antas.

Sa ilalim ng People’s Initiative, kinakailangan ang lagda ng 10 porsyento ng rehistradong botante sa buong bansa at 3 porsyento sa bawat distrito upang maisulong ang panukala sa plebisito.

Binigyang-diin ng Dapat Isa Lang o D1L Movement na layunin nitong tiyakin ang pantay na pagkakataon ng bawat mamamayan na makapagsilbi sa pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

DOUBLE CRISIS

 225,956 total reads

 225,956 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

BSKE POSTPONEMENT

 257,687 total reads

 257,687 total reads Kapanalig, hindi na dapat pang pagdebatehan ang pagpapaliban sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election o B-S-K-E. Simple lamang, itinakda ng Mababang Kapulungan ng

Read More »

Tuloy ang laban ng mga katutubo

 359,511 total reads

 359,511 total reads Mga Kapanalig, tuloy ang laban ng mga katutubo!  Ito ang pahayag ni Angelica Nasiron, isang katutubong Molbog mula sa isla ng Bugsuk, Balabac,

Read More »

Nalulugi ang transportasyon

 400,073 total reads

 400,073 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 411,589 total reads

 411,589 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top