D1L movement, nadismaya sa watered-down Anti-Political Dynasty Act sa Kamara

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,792 total reads

Nagpahayag ng pagkadismaya ang Dapat Isa Lang o D1L Movement sa inaprubahang House Bill 8389 o ang panukalang Anti-Political Dynasty Act ng Kamara, na ayon sa grupo ay isang “watered-down” o mahinang bersyon ng tunay na reporma laban sa political dynasty.

Ayon kay D1L Movement Spokesperson Atty. Carlo Africa, hindi sapat ang nilalaman ng panukalang batas upang tuluyang mabuwag ang sistemang political dynasty sa bansa.

“We cannot help but wonder if this watered-down bill is sufficient enough to genuinely dismantle dynasties.” Bahagi ng pahayag ni Atty. Africa.

Ipinaliwanag ng grupo na nililimitahan lamang ng House bill ang pagbabawal hanggang second degree of consanguinity and affinity, samantalang isinusulong ng D1L Movement ang mas mahigpit na pagbabawal hanggang fourth degree of consanguinity and affinity.

“The House anti-dynasty bill not only fails to prohibit political dynasties. In fact, it is so weak that it legitimizes these dynasties.” Dagdag pa ni Atty. Africa.

Sa ilalim ng panukalang isinusulong ng D1L sa pamamagitan ng People’s Initiative, isang miyembro lamang ng pamilya ang maaaring humawak ng pambansa at lokal na posisyon, may one-term cooling-off period, at ipinagbabawal ang succession at pagpapalitan ng pwesto sa loob ng pamilya.

Naniniwala rin ang grupo na hindi maipapasa ng Kongresong dominado umano ng political dynasties ang isang tunay na anti-political dynasty law kaya’t hinihikayat nila ang mamamayan na suportahan ang People’s Initiative para maipasa ang “people’s version” ng naturang batas.

“Our version of the Anti-Political Dynasty Bill has resonated with ordinary citizens like us who are tired of the culture of corruption and impunity political dynasties have enabled and benefitted from.” Ayon pa kay Atty. Africa.

Binigyang-diin ng kilusan na layunin nitong tugunan ang matagal nang panawagan para sa reporma at pananagutan sa pamahalaan.

Dagdag pa ng Dapat Isa Lang o D1L Movement, layunin nitong tiyakin ang pantay na pagkakataon ng bawat mamamayan na makapagsilbi sa pamahalaan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 22,808 total reads

 22,808 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 121,366 total reads

 121,366 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 165,637 total reads

 165,637 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 188,746 total reads

 188,746 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 262,662 total reads

 262,662 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top