Kaligtasan ng mamamayan sa mga sanitary landfill, pinasusuri ng EcoWaste sa pamahalaan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,639 total reads

Kaligtasan ng mamamayan sa mga sanitary landfill, pinasusuri ng EcoWaste sa pamahalaan

Nanawagan ang EcoWaste Coalition sa pamahalaan na agarang suriin ang kaligtasan at integridad ng mga landfill sa bansa kasunod ng nangyaring trash slide sa Davao City Sanitary Landfill noong May 20, 2026.

Ayon sa grupo, dapat tiyakin ang mahigpit na pagpapatupad ng mga umiiral na regulasyon at magsagawa ng agarang pagtugon at pagwawasto.

Sinabi ni EcoWaste Coalition Zero Waste Campaigner Ochie Tolentino, dapat tiyakin ng mga kinauukulan ang mahigpit na pagsunod ng lahat ng landfill sa mga pamantayan ng environmental compliance, kabilang ang waste segregation, soil cover, slope stabilization, at monitoring protocols.

“We cannot just wait for the next landfill collapse, fire, leachate overflow, and gas explosion to claim more lives and aggravate social injustice and environmental pollution, ” pahayag ni Tolentino.

Iginiit ng grupo na ang sunod-sunod na insidente sa Binaliw Landfill sa Cebu City; Rizal Provincial Sanitary Landfill sa Rodriguez (Montalban), Rizal; Navotas Sanitary Landfill sa Navotas City; at Davao City Sanitary Landfill ay nagpapakita ng patuloy na kahinaan sa pagpapatupad ng mga umiiral na batas sa solid waste management.

Samantala, sinabi naman ni EcoWaste National Coordinator Aileen Lucero na patuloy na tumataas ang dami at pagiging nakalalason ng basurang nalilikha dahil mas sinasang-ayunan ng mga polisiya ang pagtatapon kaysa sa pag-iwas at pagbabawas ng basura.

“While [Republic Act] 9003, or the Ecological Solid Waste Management Act, mandates waste avoidance, segregation at source, and other best practices, national and local implementation is weak,” ayon kay Lucero.

Dagdag pa ni Lucero, patuloy na lumalala ang suliranin sa plastic pollution dahil sa kakulangan sa pagpapatupad ng RA 11898 o Extended Producer Responsibility law.

Muling nanawagan ang EcoWaste Coalition ng mahigpit na pagpapatupad ng RA 9003 at mas matibay na mga polisiya upang mabawasan ang basura, mahinto ang pagdepende sa landfill, at maiwasan ang waste-to-energy incineration.

Nauna nang iginiit ng Interfacing Development Interventions for Sustainability (IDIS), isang Davao-based environmental advocacy group, na ang insidente ay nagpapakita ng lumalaking hamon sa dami ng basurang pinangangasiwaan ng mga landfill sa bansa.

Nakasaad sa ensiklikal na Laudato Si’ ni Pope Francis ang kahalagahan ng pagbawas sa paggamit ng mga plastic at iba pang disposable materials upang mapigilan ang pagdami ng basurang nakasisira sa kapaligiran.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 20,661 total reads

 20,661 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 119,306 total reads

 119,306 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 163,577 total reads

 163,577 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 186,686 total reads

 186,686 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 260,707 total reads

 260,707 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 144,749 total reads

 144,749 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top