Santacruzan hindi isang beauty pageant, paalala ni Cardinal Advincula sa mananampalataya

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 16,680 total reads

Pinaalalahanan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na higit pa sa tradisyon at parada ang kahulugan ng Santacruzan bilang pagpapahayag ng pananampalatayang Kristiyano.

Sa kanyang mensahe ngayong panahon ng Santacruzan, binigyang-diin ng kardinal na mahalagang maunawaan ng sambayanan ang tunay na diwa ng naturang tradisyong Pilipino.

“Ang Santacruzan ay hindi lamang isang makulay na tradisyon, at lalong hindi ito isang beauty pageant, kundi isang paanyaya at paalala sa atin na ipagmalaki at isabuhay ang ating pananampalataya,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radio Veritas.

Ayon sa arsobispo, pagkakataon din ang pagdiriwang upang higit na mapalalim ng mga mananampalataya ang kahulugan ng krus sa kanilang buhay bilang mga Kristiyano.

“Muli nating ginugunita hindi lamang ang paghahanap ni Santa Elena sa Banal na Krus, kundi ang mas malalim na kahulugan ng Krus sa ating buhay bilang mga Kristiyano,” ani ng kardinal.

Hinimok din ni Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na tularan si Kristo sa pagharap sa mga pagsubok at paghihirap ng buhay nang may pananampalataya at pag-ibig.

“Matutuhan nating pasanin nang may pag-asa at pag-ibig ang mga krus ng ating buhay araw-araw. Nawa’y manatili tayong matatag sa pananampalataya at nagkakaisa bilang isang Simbahan,” dagdag pa ng kardinal.

Ang Santacruzan ay isa sa mga mayamang tradisyong Katoliko sa Pilipinas na ginaganap tuwing Mayo bilang paggunita sa pagkakatagpo ni Santa Elena sa Banal na Krus ni Hesukristo.

Ito rin ay naging bahagi ng Flores de Mayo na nagpaparangal sa Mahal na Birheng Maria sa pamamagitan ng pag-aalay ng mga bulaklak.

Higit sa isang makulay na prusisyon, ang Santacruzan ay tanda ng debosyon at pananampalatayang Kristiyano.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

TRUTH AWARDS

 18,639 total reads

 18,639 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 117,380 total reads

 117,380 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 161,648 total reads

 161,648 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Bastos na kultura

 184,760 total reads

 184,760 total reads Mga Kapanalig, kung nakasubaybay kayo sa mga usapan sa social media tungkol sa nagpapatuloy na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, makikita

Read More »

DOUBLE CRISIS

 258,853 total reads

 258,853 total reads Kapanalig kapag pinag-usapan ang “resiliency”, tayong mga Pilipino yan, kilala tayo sa buong mundo sa pagiging resilient. Matibay… Matatag… Paanong hindi magiging matatag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top