Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 107,402 total reads

Homiliya para sa Biyernes sa Ikapitong Linggo ng Pagkabuhay, 22 Mayo 2026, Juan 21:15-19

Dati, noong bata ka pa, binibihisan mo ang sarili mo at gumagawa ka ng sarili mong lakad. Pagtanda mo, bibihisan ka nila at dadalhin ka kung saan di mo gustong pumunta. Sinabi raw ito ni Jesus para ipahiwatig kung anong klaseng kamatayan ang haharapin ni Pedro upang maparangalan ang Panginoon. At ang kasunod ay: “Sumunod ka sa akin.”

Sa ibang salita, “Tumulad ka sa akin.” Hinarap nga naman ni Hesus ang mga umusig sa kanya at nagpako sa kanya sa krus. Pero ayon sa tradisyon, kahit ganoon din ang haharaping kamatayan ni Pedro, matapos na isakdal siya at hukuman ng kamatayan sa krus, ipinakiusap daw niyang ibaligtad ang krus na pagpapakuan sa kanya. Paraan niya ito para sabihing malayo pa siya sa Panginoon na ibig niyang sundin at tularan.

Ang unang pagbasa naman ay tungkol naman kay San Pablo. Ikinukwento ng gobernador na Romanong si Festus ang eksena nang iharap kay gobernador na si Felix si Pablo. Ikinwento niya kung gaano katapang ito na humarap sa mga nagsampa ng sakdal laban sa kanya. At kung paano daw sinabi ni Felix sa mga nagsampa ng dimanda na hatulan siya: “Hindi ugali ng mga Romano na parusahan ang kahit na sinong nasasakdal nang hindi humaharap sa mga nag-aakusa sa kanya, at hindi pa nabibigyan ng pagkakataon na masagot ang mga akusasyon laban sa kanya.”

“Due process” ang tawag sa Ingles sa tinutukoy ni Gobernador Festus. Noon pa man, bahagi na pala ang “due process” sa usapin ng paghahangad ng hustisya mula sa hukuman.

Parang napapanahon ang mga pagbasa natin ngayon sa mga naganap nitong nakaraang linggo sa Senado dito sa ating bansa. Kung sina San Pedro at San Pablo ay matapang na humarap sa mga nagsampa ng sakdal laban sa kanila, baligtad ang nangyari sa Senado. Nakipagpatintero ang inaarestong senador para makapasok ng senado, mabigyan ng protective custody at maidagdag ang boto niya para makabuo ng bagong mayorya at bagong liderato sa Senado.

Siyempre kung tinulungan siyang makapasok, tinulungan din siyang makalabas, kahit walang umaamin sa mga kaalyado. Mabuti nga siya, binibigyan ng oportunidad na dumaan sa due process ayon sa international law. Sa ilang libong taong pinaslang noong kasagsagan ng Tokhang, na masigasig niyang itinaguyod, walang due process, due process. Basta na lang tinutuldukan ang mga buhay.
Tuloy biglang ibinalik sa alaala ko iyung taon 2019 nang ako rin ay sinampahan ng limang kasong kriminal—kasama ang tatlong iba pang kapwa obispo at tatlong pari. Ang mga kaso diumano ay sedition, inciting to sedition, cyber libel, obstruction of justice at estafa. Mga kasong gawa-gawa, pero gayunpaman, humarap pa rin kami sa Piskalya. Salamat sa Diyos at mabilis na na-dismiss ang nasabing mga kasong ito at hindi na iniakyat sa korte.

Iyun kasi ang mga panahon na tinatanong ko, bakit ba halos araw-araw may pinapatay na diumano’y “drug suspects” na nanlaban—pero wala ni katiting na pribilehiyo ng due process para sa kanila?
Ipagdasal natin ang mga lingkod bayan natin sa Senado, lalo na ang bagong mayorya at liderato. Na sana, kung pareho ang Diyos na dinadasalan natin at Bibliyang binabasa natin, tularan din nila ang Panginoong kusa ring humarap sa mga nagsakdal sa kanya para managot, kahit wala siyang kasalanan. Huwag sana nilang malimutan na sila ay mga mambabatas na pinapasweldo ng bayan at nanumpa ng katapatan, hindi sa dating pangulo, kundi sa Konstitusyon.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 60,539 total reads

 60,539 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 139,566 total reads

 139,566 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 173,011 total reads

 173,011 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 208,309 total reads

 208,309 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 432,383 total reads

 432,383 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

WHEN A FAMILY BECOMES A PLACE OF TRAGEDY

 15,069 total reads

 15,069 total reads Someone called my attention today to the tragic case of Caleb Flynn in the United States—a Christian worship pastor recently convicted of murdering

Read More »

THE VINEYARD IS NOT OURS

 20,719 total reads

 20,719 total reads Homily for the Closing of the Season of Creation 800th Anniversary of the Transitus of St. Francis of Assisi 27th Sunday in Ordinary

Read More »

FROM REVOLUTION TO RECONCILIATION

 19,981 total reads

 19,981 total reads My French friend Eric Nicolas, a native of Marseille, sent me a message yesterday that made me look at one particular moment of

Read More »
Scroll to Top