Mananampalataya, hinimok na palalimin ang debosyon kay Sta. Rita de Cascia, patron saint of the impossible

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 8,925 total reads

Hinimok ni Father Aris Sison – Kura Paroko ng St. Rita De Cascia Parish ang mga mananampalataya palalimin ang pagdedebosyon at humingi ng pamamagitan kay Santa Rita De Cascia sa gitna ng iba’t ibang pagsubok at krisis na kinakaharap ng Pilipinas at ng mundo.

Ito ay upang maipanalangin sa Panginoon ang paghahari ng kapayapaan at mapagtagumpayan ang mga imposible sa pamamagitan ng Santo na patrona ng mga imposibleng dahilan at makapangyarihang tagapamagitan para sa mga mananampalataya.
Binigyang diin ng pari ang kahalagahan ng pananalig at sama-samang panalangin lalo na sa panahon ng pangamba, suliranin at iba’t ibang hamon sa lipunan.

“Santa Rita de Cascia is a powerful intercessor for all of us. She is known as the saint of impossible causes. So let us pray to her, especially during these difficult times in our country. Let us pray for the intercession of Santa Rita de Cascia, that she may help us, that she may intercede for us, that we may find a way out of all the crises and difficulties that we are facing these days.””

Umaasa rin si Fr. Sison na sa pamamagitan ng pananalangin kay Santa Rita ay matagpuan ng sambayanan ang pag-asa, katatagan at paraan upang malampasan ang mga krisis at paghihirap na nararanasan sa kasalukuyan.

Si Santa Rita ng Cascia na ‘Patron Saint of the Impossible’ ay isang Augustinian saint na isinilang noong 1371 sa Roccaporena, Umbria, Italy mula sa isang pamilyang magsasaka, lumaki siya sa ilalim ng gabay ng mga Augustinian friar kung saan natutunan niya ang malalim na debosyon sa panalangin at sa mga banal gaya nina St.Augustine at St. Nicholas of Tolentino. Sa murang edad, siya ay ipinagkasal kay Paolo di Ferdinando di Mancino at nagkaroon ng dalawang anak, ngunit ang kanilang buhay pamilya ay nabalot ng karahasan at hidwaan sa pulitika, na nauwi sa pagpaslang sa kanyang asawa.

Sa kabila ng trahedya, pinili ni Santa Rita ang pagpapatawad at panalangin sa halip na paghihiganti, at kalaunan ay nawala rin ang kanyang mga anak dahil sa sakit. Sa edad na 36, pumasok siya sa Augustinian monastery sa Cascia matapos ang matinding pagsubok at pagtanggi, at dito siya namuhay ng buhay ng panalangin, penitensya, at paglilingkod sa mahihirap at maysakit. Kilala rin siya bilang “Saint of the Roses” dahil sa himalang rosas na lumitaw noong taglamig bago siya pumanaw noong Mayo 22, 1447. Sa tradisyong Katoliko, si Santa Rita ay sagisag ng pag-asa, kapatawaran, at katatagan ng pananampalataya sa gitna ng matinding paghihirap.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 15,766 total reads

 15,766 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 5,134 total reads

 5,134 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 86,795 total reads

 86,795 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 181,020 total reads

 181,020 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 241,509 total reads

 241,509 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 255,153 total reads

 255,153 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top