Pagputol ng mga puno sa Quirino Avenue, kinundena ng AKKaP

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,777 total reads

Mariing kinondena ng Angat Kalikasan Katutubo Pilipinas Inc. (AKKaP) ang pagputol sa 617 puno sa kahabaan ng Quirino Avenue sa Lungsod ng Maynila upang bigyang-daan ang mga proyektong pang-imprastraktura at urban development.

Ayon sa AKKaP, taliwas ito sa patuloy na panawagan para sa matinding pagkilos laban sa krisis sa klima, pagpapanumbalik ng kagubatan, at pagsusulong ng mga solusyong nakabatay sa kalikasan, sa gitna ng patuloy na paglala ng epekto ng pagbabago ng klima.

Una nang inihayag ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na may pahintulot ang pagputol sa mahigit 600 puno para sa Southern Access Link Expressway (SALEx) project ng San Miguel Corporation na magdurugtong sa Skyway patungong Roxas Boulevard.

“Inaabot ng ilang dekada bago lumaki ang isang puno, magbigay-buhay sa biodiversity, sumipsip ng carbon, magpababa ng temperatura, at magsilbing proteksyon ng mga komunidad laban sa lumalalang epekto ng climate crisis, ngunit ilang segundo lamang ang kailangan upang ito ay putulin,” pahayag ng AKKaP.

Iginiit ng grupo na nakababahala ang patuloy na pagdami ng mga konkretong imprastraktura sa mga lungsod habang unti-unting nawawala ang mahahalagang luntiang espasyo at ecosystem dahil sa mga proyektong itinuturing na kaunlaran.

Dagdag pa ng AKKaP, hindi dapat sinusukat ang pag-unlad sa dami ng kalsada, gusali, at kita, habang isinasantabi ang kalikasan at mga likas na yaman.

“Hindi dapat isinasakripisyo ang ating natitirang green spaces sa ngalan ng kaunlaran,” giit ng AKKaP.

Sa halip, hinamon ng grupo ang pamahalaan at pribadong sektor na pagtuunan ng pansin ang makakalikasan at sustenableng pagpaplano ng mga lungsod, pagpapaunlad ng mga pampublikong liwasan, maayos na sistema ng pampublikong transportasyon, at pagpapatatag ng mga komunidad laban sa epekto ng mga sakuna at kalamidad.

Nanawagan din ang AKKaP ng pananagutan, transparency, at tunay na pangangalaga sa kalikasan sa lahat ng mga proyektong pangkaunlaran.

“Walang sustainable na kinabukasan kung patuloy nating pinuputol ang mismong nagbibigay-buhay sa atin,” ayon pa sa AKKaP.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang bigat ng betrayal of public trust

 11,307 total reads

 11,307 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 239,547 total reads

 239,547 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 133,013 total reads

 133,013 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Pakikiisa sa Palestine

 227,042 total reads

 227,042 total reads Mga Kapanalig, lumahok ang Pilipinas sa walkout ng mga delegado sa 81st United Nations General Assembly habang nagsasalita si Israeli Prime Minister Benjamin

Read More »

Huwag mag-panic

 270,831 total reads

 270,831 total reads Mga Kapanalig, kumakalat sa social media ang mga posts tungkol sa hoarding o labis-labis na pag-iimbak ng tubig. Paghahanda raw ito sa “super

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 149,096 total reads

 149,096 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top