400 pamilya na nakatira sa danger zone ng Taal Volcano, nabigyan ng pabahay ng LASAC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Mahigit sa 400 pamilya na dating naninirahan sa palibot ng Bulkang Taal ang natulungan ng Arkidiyosesis ng Lipa na magkaroon ng bagong tahanan.

Ito ang ibinahagi ni Rev. Fr. Jayson Siapco, tagapamuno ng Lipa Archdiocesan Social Action Commission o LASAC matapos na muling magligalig ang bulkang Taal at magsilikas ang ilan sa mga residente.

Ayon kay Fr. Siapco, marami pa ring pamilya ang nanumbalik sa paninirahan sa permanent danger zone ay sinisikap ng Arkdiyosesis na makatulong sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga bagong bahay para malayo sa peligro.

“Meron kaming program na integrity of communities isa sa gawain nito bukod sa meron na kaming housing ito ang nakikita namin na pinakamahalaga and I suggest ito ang pinaka importante din para makatuloy sa pag-ahon at pagbangon ang mga nasalanta,” pahayag ni Fr. Siapco sa panayam ng Radyo Veritas.

Nakipagtulungan ang Arkidiyosesis ng Lipa sa mga residente na makapagtayo ng kanilang mga bagong tirahan sa kondisyon na ang lupang pagtatayuan ay nabili na ng napiling residente o kaya naman ay pag-aari ng kanilang kaanak.

Inihayag ni Fr. Siapco na ang pondo na ginagamit ng Arkidiyosesis sa nasabing proyekto ay mula sa mga donasyon ng iba’t-ibang indibidwal.

Sa kasalukuyan ay nasa 1,400 na pamilya ang nagsilikas dahil sa muling pagliligalig ng Bulkang Taal.

Magugunitang taong 2020 ng umabot sa 26,000 pamilya ang naapektuhan ng phreatic explosion ng Bulkang Taal kung saan higit sa 373 evacuation center ang binuksan para sa mga nagsilikas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

SOBRANG LUGMOK NA ANG MGA PINOY

Sa kasalukuyan, hindi na makakaagapay ang milyun-milyong Pilipino., lugmok na lugmok na! Sa nakalipas na buwan ng Pebrero 2026, hirap na hirap na ang mga

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top