PPCRV at AMA, lumagda sa MOA

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 845 total reads

Opisyal nang nilagdaan ng pamunuan ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) at AMA Education System ang kasunduan ng pagtutulungan sa May 9 – National and Local Elections sa bansa.

Sa pamamagitan ng naganap na Memorandum of Agreement (MOA) Signing noong ika-28 ng Marso, 2022 ay pinagtibay ng dalawang institusyon ang pagtutulungan sa pagbabantay at pagtiyak ng malinis, matapat, makatotohanan at mapayapang halalan sa bansa.

Ayon kay PPCRV Chairperson Myla Villanueva, mahalaga ang papel na ginagampanan ng AMA upang ganap at patuloy na maisakatuparan ang pagbabantay sa boto ng bawat mamamayang Filipino katuwang ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Pagbabahagi ni Villanueva mula pa noong taong 2010 ay malaki na ang ambag ng AMA sa pagsasakatuparan ng PPCRV sa misyon nito tuwing halalan.

“Our command center along with the Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas (KBP) is there to make sure that our public’s vote is represented and their votes are heard and so I thank you AMA for always being there with us, they have been our partner since 2010,” pahayag ni Villanueva.

Tiniyak naman ni AMA Education System chairman Ambassador Amable Aguiluz V ang patuloy na paninindigan ng AMA sa pagtiyak ng katapatan at katotohanan sa resulta ng halalan sa bansa.

Tinukoy ni Aguiluz, ang naganap na snap presidential elections noong taong 1986 na pagsisimula ng electoral journey ng AMA sa pagbibigay ng technical support at volunteer sa COMELEC Quick Count na layuning makapagkaloob ng mabilis at matapat na resulta ng halalan sa publiko.

“AMA’s electoral journey start in the 1986 snap presidential elections. AMA provided technical support and volunteer to the COMELEC Quick Count at the PICC. In the subsequent elections since 1987 after the EDSA Revolution, AMA is engaged in delivering quick election results to the general public,” pahayag ni Aguiluz.

Ang naganap na MOA Signing sa pagitan ng pamunuan ng PPCRV at AMA Education System ay maituturing na renewal o pagpapanibago sa kasunduan ng pagtutulungan ng dalawang institusyon na nagsimula ng ipatupad ang Automated Elections sa bansa noong taong 2010.

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 14,878 total reads

 14,878 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 17,206 total reads

 17,206 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

1,2,3 kanya-kanya na!

 3,911 total reads

 3,911 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 85,654 total reads

 85,654 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 179,879 total reads

 179,879 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 240,368 total reads

 240,368 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Pahirapang dagdag-sahod

 254,082 total reads

 254,082 total reads Mga Kapanalig, “people over profit” at “labor over capital” ang ilan sa mga prinsipyong itinataguyod ng mga panlipunang turo ng ating Simbahan kapag

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Seguridad, hinigpitan ng AdZU

 14,879 total reads

 14,879 total reads Pinaiigting ng Ateneo de Zamboanga University (AdZU) ang mga hakbang ng unibersidad para sa seguridad ng mga estudyante at kawani nito kasunod ng

Read More »

Sacred music, mahalaga sa liturgy

 17,207 total reads

 17,207 total reads Binigyang-diin ni Pope Leo XIV ang mahalagang papel ng sacred music sa liturhiya, partikular sa Banal na Misa, bilang tulong upang higit na

Read More »
Scroll to Top