425 Yolanda scholars, nagtapos sa kolehiyo

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 352 total views

425 mga mag-aaral sa Eastern Visayas ang nakapagtapos ng pag-aaral sa tulong ng Scholarship Program ng Caritas Manila.

Sa pamamagitan ng programang Youth Servant Leadership and Education Program o YSLEP, nakatapos sa kolehiyo ang mga mag-aaral na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Yolanda partikular na sa Samar at Leyte.

Labis ang pasasalamat ni Palo Archbishop John F. Du sa inisyatibo ng Caritas Manila na tulungan mapa-aral ang mga nasabing kabataan.

Aniya, napakahalaga ng edukasyon sapagkat ito ang magsisilbing puhunan ng mga kabataan para ibangon ang kanilang mga sarili at mapalago ang kanilang mga buhay.

“The program is highly appreciated by us, this is very important because most of our community, of our people are the young ones and what [will] happen if we will just leave them behind? so the program is helping the young people for them to become leaders, for them to become into the service to the community so that our generation will be sustained going to be lasting it’s not just the structure that we really going to helped to restore but above all, it is the manpower “ pahayag ni Archbishop Du sa panayam ng Radio Veritas.

235 mga mag-aaral na nagsipagtapos ay mula sa Archdiocese of Palo, ang Arkidiyosesis na nakakasakop sa Tacloban City, isa sa mga pinaka-nasalanta ng bagyong Yolanda halos limang taon na ang nakakalipas.

Plano ni Archbishop Du na ipagpatuloy ang Scholarship Program sa kanilang Arkidiyosesis at tularan ang ginagawa ng Caritas Manila.

“Here in the Archdiocese of Palo being the beneficiary of this YSLEP program we would [like] to continue this, atleast we create our own program because we realize the importance of these program” ani pa ni Archbishop Du.

Maliban sa Archdiocese of Palo ay mayroon din scholars ang Caritas Manila sa Diocese ng Borongan, Calbayog at Maasin na kapwa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Magugunitang umabot sa 16 na milyong indibiwal ang naapektuhan ng bagyong Yolanda kung saan maraming mga kabataan ang nawalan ng pag-asa na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral.

Sa datos na inilabas ng Caritas Manila noong taong 2017 umabot sa mahigit 61 milyong piso ang pondo na inilaan ng Social Arm ng Archdiocese of Manila para sa may 3 libong YSLEP Scholars.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 67,100 total views

 67,100 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 67,100 total views

 67,100 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 67,100 total views

 67,100 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 65,043 total views

 65,043 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 59,456 total views

 59,456 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Diocese of Ilagan, umaapela ng tulong

 69,134 total views

 69,134 total views Umapela na din ng tulong and Diyosesis ng Ilagan sa lalawigan ng Isabela matapos maapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine. Sa ipinadalang Situationer

Read More »
Scroll to Top