Pagtanggap ng pamahalaan sa Rohingyan refugees, suportado ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 532 total reads

Nagpahayag ng suporta ang Diocese ng Balanga, Bataan sa pagiging bukas ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtanggap mga ‘Rohingyan refugees’.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, palaging bukas ang simbahan sa mga migrante na naghahanap ng kalinga at pangangalaga lalu na rin sa kanilang kinakaharap na kahirapan at karahasan mula sa sarili nilang bansa.

“Maganda ang sinabi ng ating pangulo na siya ay open at tayo namang mga Filipino …talaga tayo ay kilala bilang hospitable at pagiging tapat at masipag. Kung magkakaroon ng pagkakataon dapat ito ay diplomatic saka bipartisan at tripartisan sa mga countries involved,” ayon pa sa Obispo.

Tiniyak din ng obispo ang magiging bahagi ng simbahan sa pagtulong sa mga migrante at maging kaakibat ng gobyerno para sa mga migrante partikular na ang Rohingyan refugees.

Ang munisipalidad ng Morong ay bahagi ng lalawigan ng Bataan kung saan matatagpuan ang dating Philippine Refugee Processing Center na itinayo noong 1980 na tumanggap ng may kabuuang 400,000 Indochinese, Vietnamese, Cambodian at Laos refugees dahil sa umiiral noong digmaan.

Taong 1981 din ng dumalaw ang noo’y si Pope John Paul II sa Bataan at bilang pasasalamat ay isang Papal Shrine ang itinayo sa lugar kung saan idinaos noon ang misa na pinasinayahan noong 2011 kasabay ng kaniyang biyatipikasyon sa Roma.

Si St. John Paul II ay ganap na naging Santo noong 2013.

“Ang simbahan ay palaging tutulong, ang simbahan ay magbubukas din, ang simbahan ay makakakaasa we will cooperate we will collaborate with the government,” ayon kay Bishop Santos. Taong 2015 nang magsimulang magsilikas ang Rohingyan people o isang muslim minority group makaraang hindi kilalanin ng Myanmar (Burma) na bahagi ng kanilang mamamayan o stateless entities.” pahayag ni Bishop Santos

Tinatayang mahigit na sa 600,000 Rohingyan ang lumikas mula sa Myanmar dahil na rin sa patuloy na karahasan at pang-aabuso.

Una na ring huminingi ng kapatawaran si Pope Francis sa mga Rohingya sa ngalan ng international community sa isang pulong na naganap sa Bangladesh dahil sa dinaranas na pag-uusig.

Tiniyak din ng Santo Papa Francisco ang paggawa ng hakbang upang tulungan ang mga nagsilikas at magkaroon ng tahanan na kukupkop kung saan kanilang mararanasan ang kapayapaan at pagkalinga.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 84,436 total reads

 84,436 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 118,584 total reads

 118,584 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 153,884 total reads

 153,884 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 380,153 total reads

 380,153 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 269,077 total reads

 269,077 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 12,923 total reads

 12,923 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top