Pope Francis, naglabas ng decree sa Canonical coronation ng Our Lady of the Pilar.

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 649 total reads

Labis ang kagalakan ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos sa biyayang natanggap mula kay Pope Francis kaugnay sa paggawad ng pagkilala para sa ‘canonical coronation’ ng Our Lady of the Pillar sa Morong, Bataan.

Ayon sa Obispo, ang ‘decree’ ay ipinadala sa pamamagitan ng apostolic nunciature at kanilang natanggap noong Lunes ika-16 ng Abril, 2018.

Ang canonical coronation ang pinakamataas na iginagawad sa isang imahe na naging bahagi para sa paglago ng pananampalataya ng mamamayan bilang kanilang pintakasi.

“Ito ay isang malaking biyaya ng Diyos para sa sambayanan ng Morong lalu na sa sambayanan ng Bataan. Ito ay pagkilala sa natatanging pananampalataya ng mga tao noon at ngayon. Through the years… four hundred ten years na itong Morong sa pagkakatatag ng simbahan. Inspite of everything war, revolution, at natural calamities with their faith at ang devotion sa Mahal na Ina ay patuloy pa rin naging salin-salin lahi. Ipinagpatuloy hindi nawala, hindi nabawasan at lalung nadagdagan,” ayon kay Bishop Santos.

Inihayag ng Obispo na maaring isagawa ang pagpuputong ng korona sa Our Lady of the Pillar sa Morong Bataan bago o sa mismong kapistahan nito sa Oktubre.

Binigyan diin din ni Bishop Santos na ang pagkilalang ito sa simbahan ng Morong ay magsisilbing panibagong sigla sa bawat mananampalataya at higit pang pananampalataya sa Panginoon.

“Ito ay pampasigla at encouragement na magpatuloy sila sa kanilang pananampalataya. Lalu na ngayon alam naman natin dito sa Morong ay marami pa rin ang kumakalaban at gustong masira ang kalikasan sa nais na buhayin ang Nuclear Power Plant,” ayon sa obispo.

Ang munisipalidad ng Morong ay bahagi ng lalawigan ng Bataan kung saan matatagpuan ang Subic Bay international airport, Bataan Nuclear Power Plant at ang dating Philippine Refugee Processing Center.

Ang Our Lady of the Pilar sa Morong Bataan ay itinatag ng mga Recolletos noong 1607 o 410 taon nang nakatayo at isa sa pinakamatandang simbahan sa Morong at sa Pilipinas.

Sa tala ang Diyosesis ng Balanga ay may kabuuang populasyon na 700,000 na may 86 na porsiyento ang mga katoliko na binubuo ng 55 mga pari na siyang nangangasiwa sa 35 mga parokya.

Ang imahe ng Our Lady of the Pillar ng Morong ang ika-39 na imahe ng Mahal na Ina na ginawaran ng canonical coronation sa buong bansa na ang pinakaunang pinutungan ng korona ay ang Nuestra Senora del Santisimo o Rosario de la Naval sa Quezon City na pinarangalan noong 1907.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 84,440 total reads

 84,440 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 118,587 total reads

 118,587 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 153,887 total reads

 153,887 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 380,156 total reads

 380,156 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 269,080 total reads

 269,080 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Ipagdasal ang Santo Papa, apela ng CBCP

 12,924 total reads

 12,924 total reads Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa mga mananampalataya sa buong bansa na ipanalangin, mag-alay ng Misa, at magdasal

Read More »
Scroll to Top