Panggigipit ng pamahalaan sa human right defenders, kinundena

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 317 total views

Kinundina ng human rights group na In Defense of Human Rights and Dignity Movement o iDEFEND ang panggigipit ng pamahalaan partikular ng Bureau of Immigration sa mga international human rights defenders na nakikisimpatya sa kalagayan ng karapatang pantao sa bansa.

Ayon kay Ellecer Carlos, spokesperson ng iDEFEND na nakababahala ang magkasunod na hakbang ng Bureau of Immigration partikular na ang ginawang detention sa 71-taong gulang na Australian nun na si Sr. Patricia Fox dahil sa pagbibigay suporta sa mga magsasaka at mga katutubo at ang deportation noong linggo kay Party of European Socialists (PES) Deputy Secretary–General Giacomo Filibeck dahil sa black list order laban dito.

Giit ni Carlos, ang magkasunod na insidente sa parehong international human rights defender ay maituturing na isang paniniil sa karapatan sa pagpapahayag ng saloobin kaugnay sa pamamalakad ng pamahalaan partikular na ang kampanya laban sa ilegal na droga at ang implementasyon ng Martial Law sa Mindanao.

“We are alarmed at these operations as these may be pre-crackdown moves designed to warn the international community against criticizing the government’s anti-people policies. Both events are examples of repressive measures leveled against global human rights defenders by the government, which continue to implement a bloody war on drugs as well as Martial Law in Mindanao which violate the human rights of indigenous peoples,” pahayag ni Carlos sa Radio Veritas

Pagbabahagi ni Carlos, walang paglabag na ginawa si Sr. Fox sa kanyang Missionary Visa sa bansa sapagkat halos 3-dekada ng aktibo ang naturang madre sa pakikibahagi sa pagbibigay ng espirituwal at moral na gabay sa mga naaabusong magsasaka at mga katutubo.

Habang si Giacomo ay bahagi ng 2017 European fact finding mission na nagtungo sa Pilipinas noong nakalipas na taon upang tutukan ang mga kaso ng Extrajudicial killings na may kaugnayan sa kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga sa bansa.

Dahil dito, nangangamba ang iDEFEND na ang naturang magkasunod na hakbang ng B.I ay bahagi ng paraan ng pamahalaan upang mapigilan ang mga kritiko ng administrasyon na maisiwalat ang mga anumalya at hindi makataong programa ng paglabag sa karapatang-pantao ng mga Filipino.

Kaugnay nito, naunang nanawagan ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on the Laity sa bawat isa na patuloy na manindigan sa pagsusulong ng karapatan pantao at huwag magpasindak sa anumang hakbang ng pamahalaan upang siilin ang karapatan ng mamamayang Filipino.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ACCOUNTABILITY

 13,564 total views

 13,564 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 83,676 total views

 83,676 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 158,290 total views

 158,290 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 238,369 total views

 238,369 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 281,100 total views

 281,100 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Walang summer break kay Pope Leo XIV

 1,679 total views

 1,679 total views Bagama’t nasa panahon ng summer break ang Vatican, tiniyak ni Pontificio Collegio Filipino Rector Rev. Fr. Gregory Ramon Gaston na hindi nangangahulugang humihinto

Read More »
Scroll to Top