Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Arsobispo, labis ang panalangin laban sa dayaan sa transmission ng boto sa national level

SHARE THE TRUTH

 194 total views

Labis ang panalangin sa Panginoon ni dating CBCP President Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz na gabayan ang sambayanang Filipino ngayong halalan at sa pagtatapos nito.

Ayon sa Arsobispo, nawa’y matanggap ng magkabilang panig kung sino ang mananalo sa halalan upang maiwasan ang kaguluhan.

“Panginoon naming Diyos, ikaw po ang lumalang sa amin, sa inyo po kami galing at sa inyo rin kami dapat bumalik, habang narito kami sa lupa sana po gabayan po ninyo kami, kung nagpapasan kami ng krus sana makaya namin hanggang sa kahuli-hulihang pupuntahan nito, mahal mo po kami kaya di ninyo kami pababayaan, umaasa kami na habang kami ay naghihirap mas lumalapit kayo sa amin, ngayon may mga pagdududa kami sa maraming bagay, sana matapos ang lahat ng ito at pagkatapos magkabati-bati kami at magbubunyi kami…” panalangin ni Archbishop Cruz.

Kaugnay nito, inihayag ng Arsobispo na lahat ng halalan, ngayon lamang siya natatakot sa magiging resulta dahil sinumang mananalo sa kaliwa at sa kanan (taga Malacanang o taga Davao) tiyak na may kaguluhan.

“Yan ang madaling sabihin na tanggapin natin, pero mukhang yan ang hindi mangyayari lalo na ang mga taga kaliwa, hindi papayag ang mga taga kanan- sa pulong narinig ko yun at nauunawaan ko sila…” ayon pa kay Archbishop Cruz.
Kaugnay nito, walang agam-agam din na sinabi ng arsobispo, na posibleng magkaroon ng dayaan sa resulta ng halalan partikular na sa transmission ng mga boto sa National level.

“Tama po yun. Mula sa 2 partido, walang magpapatalo, kapag natalo ang kabila, tatayo yung isa, wala pong bigayan ito, ang problema hindi naman yung presinto, kundi ang transmission mula sa presinto patungong national level sa PICC, doon maraming magic at nasasabi ko ito, may isang grupo sa Metro Manila na 20 taong mahigit mga IT experts ang mga ito, sinasabi nilang mahirap mangyari na walang magaganap na dayaan in the higher level, it is not in the precinct level, the precinct is ok sa local kahit paano kontrolado pero paglipat sa national andoon na ang inaaahang malaking dayaan, sana nga walang dayaan, komo marurumong sila sa mga IT nakkikinig ako sa kanila.

Nasa 54.6 milyon ang rehistradong botante na dumadagsa ngayon sa mga presinto sa bansa.

Una ng nanawagan ang Simbahang Katolika sa mga botante na bumoto ng naaayon sa kanyang konsensiya at huwag ibenta ang boto.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 1,688 total views

 1,688 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 13,172 total views

 13,172 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 28,861 total views

 28,861 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 29,750 total views

 29,750 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 40,004 total views

 40,004 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest News
Veritas Team

Hamon ng Obispo kay BBM, isulong ang kabutihan

 93,316 total views

 93,316 total views Isulong ang kabutihan para sa mas nakakaraming Filipino. Ito ang mensahe at paalala ni Tandag Bishop Raul Dael kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos,

Read More »
Latest News
Veritas Team

Robredo, nangunguna sa VTS

 89,231 total views

 89,231 total views Sinu-sino sa mga presidential aspirant ang sumusunod o nagsusulong ng “Catholic values and beliefs” na naka-sentro sa kasagraduhan ng buhay. Tinanong at pinusulsuhan

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top