173 total views
Iba’t-ibang aberya ang naiulat sa headquarters ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) kaugnay ng kasalukuyang botohan.
Ayon kay Ana De Villa-Singson, kabilang na sa mga iniuulat sa kanila ng kanilang mga volunteer- reporters ay ang pagkakaroon ng ‘paper jamming’ sa mga makina gaya sa Caloocan City, Camarines Norte at marami pang lugar.
Sinabi ni Singson na bagamat madaling ayusin ang ‘paper jamming’, kumakain ito ng oras at kung magiging madalas ito, hindi makakaboto ang marami sa mamamayan dahil sa kawalan ng oras.
May natanggap din na ulat ang PPCRV na pag-shut down ng mga makina kada ika 30 minuto na kung hindi maaagapan ito, magkukulang sa oras sa pagboto.
“Pagkatapos isubo ang 40-50 balota, biglang nag sa shut down ang makina, na-ooperate naman after 30 minutes pero after another 30 mintes nagsa-shut down na naman, yung ibang reports di lang nag sa shut down kundi binura pa ang datus ng mga balota na naisbuo na…It happens even in Manila ang paper jamming, naayos naman, aside from that, Caloocan , Sta. Cruz, natutugunan naman ito basta may technician, sa Camarines del sur at sa iba pa… madaling aysuin, nanawagan sila ng technician dahil sa paper jamming dala ng pagpapalit ng paper roll, at least 30 times magpapalit, If every 30 minutes nag pe-paper jam paper, eh ang haba ng pila, hindi sapat ang panahon sa mga botante, isyu kung hindi matutugunan kaagad.” Ayon kay Singson.
Kaugnay nito, marami ring napaulat na nawawala ang pangalan ng mga botante sa listahan ng Comelec sa mga voting precincts kahit sila ay nakapagparehistro ng may biometrics.
“Maganda ang monitoring, we actually assigned reporters to each parish and they did reports kaya maraming updates, nalulungkot lang kami sa content ng mga reports, maraming nangyayaring paper jamming, maganda lang dito madaling ayusin , mukhang hindi masyadong alam ng BEI paano tugunan ang paper jamming, disenfranchisement marami, kasi yung iba umiiyak di makita ang kanilang pangalan, nireport naming sa Comelec, sagot sa amin kung wala sila sa list maaring hindi sila nagpa register na may biometrics, wala sila talaga sa list kung wala silang biometrics yan ang sabi pero, may confirmed reports may voters ID nag-biometric pero di makaboto.” Pahayag pa ni SIngson sa panayam ng Radyo Veritas.
Samantala, naiulat din sa PPCRV na may vote buying na nagaganap sa Mindanao kung saan isang presidential candidate ang nagbabayaf ng P1,000 sa mga taga suporta ng isa pang kandidato sa pagka-pangulo upang hindi na bumoto.
“Election related violence, in some area but , very very massive ang vote buying, sa Mindanao allegedly one of the presidential candidate, nagbabayad daw ng 1K, nilalagyan nila ang daliri ng botante ng ink para di na bumoto, siguro mga supporters ito ng kabila.” ayon pa kay Singson.