194 total views
Mapayapa.
Ganito isinalarawan ni Fr. Plutarco ‘Jojo’ Opinio, Social Action Center Director ng Diocese of Masbate ang nagaganap na eleksyon ngayon sa kanilang nasasakupan matapos niyang makausap ang kanilang mga volunteers sa iba’t-ibang mga parokya.
Ayon pa sa pari, may mangilan-ngilan na ulat na nagka-problema sa Vote Counting Machines (VCM) subalit agad naman itong naaayos.
Kaugnay nito, dagdag ng pari, bagamat may pagsabog na napaulat kahapon sa kanilang diocese, wala namang nasira o nasaktan sa insidente
“Tinawagan ko ang ibat-ibang volunteers at mga pari sa ibang parokya, peaceful ang proseso, walang nabalitang masamang mga nangyayari although the other may isang school sa kanilang barangay na pinasabugan pero wala namang nasira at walang casualties, nangyari ito 16 meters away from the school, nangyari ang pagsabog, May report na isang coordinator, may problema sa VCM pero mabilis namang naayos, “ ayon kay Fr. Opinio sa panayam ng Radyo Veritas.
Sa datos ng Commission on Elections (COMELEC) nong 2013, nasa mahigit 256,000 ang botante sa Masbate.