209 total views
Ito ang binigyan diin ng Bantay Karapatan matapos tumanggap ng ulat ng vote buying sa iba’t-ibang panig ng Pilipinas.
Ayon sa Bantay Karapatan, tumanggap sila ng ulat na ilan sa mga residente sa Lipa Batangas ay tumanggap ng isang sako ng sako ng bigas na may kasamang 1,500 at 3,000 pesos.
Sa Julian Felipe elementary school sa cavite, marami ang namimigay ng sample balots, na ang iba ay nakaprint pa sa tarpaulins at mariin itong kinondena ng grupo bilang paglabag sa campaign ban.
Nakarating din sa Bantay Karapatan ang ulat na late na pagbubukas ng mga presinto tulad ng Ragayan Elementary school sa Iligan gayundin sa Alabang Elementary school.
Samantala, sa loob naman ng New Bilibid Prison, nahuli rin ang pagbubukas sa voting precincts dahil hindi agad nasunod ng Special Board of Election Inspectors ang mahigpit na patakaran ng NBP.
Tumanggap din ng ulat ang grupo na defective ang VCM sa Quezon City at Makati City na hindi makapagprint ng resibo, nagkakaroon din ng paper jams, at ilang insidente ng pagkakapalit palit ng balota na nagdulot ng delay sa proseso ng botohan.
Samantala, sa Occidental Mindoro, nakatanggap ng ulat ang Bantay Karapatan ng mga kaso ng pananakot sa indigeneous people o mga katutubong Mangyan kung saan pinipilit ang mga ito ng incumbent official na bumoto sa mga regular polling precincts sa halip ng ipinatupad na accessible polling precincts para sa mga katutubo.
Dahil dito patuloy ang pagbabantay ng BANTAY Karapatan sa halalan lalo na sa mga itinuturing na election hot spots kabilang na ang Pangasinan, Masbate, Negros Oriental, Western Samar, Maguindanao, Abra, Lanao del Sur, at Nueva Ecija.
Sa mga problemang may kinalaman sa halalan, maaring mag-ulat sa pamamagitan ng social Media ng LENTE o legal network for truth elections o sa hotline nitong 0917 602 3228 o 0939 352 4295.(Yana Villajos)