372 total views
Naniniwala ang Catholic Bishops Conference of the Philippines – Episcopal Commission on Mutual Relations na malaki ang naitulong ng Conditional Cash Transfer Program o Pantawid Pamilya Pilipino Program o 4Ps ng pamahalaan.
Ayon kay Cagayan De Oro Archbishop Antonio Ledesma, ang programa ay nagresulta ng kabawasan sa mga Pilipinong nagsabing sila ay mahirap lalo na at sinisiguro ng bawat pamilya na makatapos ang kanilang mga anak sa pag – aaral.
“I think kailangan rin diyan to have a complete program for the eradication of poverty. Yung 4Ps program is one solution na inuumpisahan na nga and they are saying some tangible resource tungkol diyan. Makakatulong din sa mga nahihirapan na mga pamilya at least to makes sure that their children are able to finish schooling,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam ng Veritas Patrol.
Nanawagan naman si Archbishop Ledesma sa susunod na administrasyon na mas giginhawa ang mga mahihirap na Pilipino kung ipapatupad na ang tunay na Repormang Agraryo at ang pagkilala sa karapatan ng mga Lumads sa kanilang lupang sakahan alinsunod na rin sa pagbibgay ng sapat na pabahay sa mga maralitang taga – lunsod.
“Pero secondly kailangan din ng implementation ng asset reform program kagaya ng Agrarian Reform, it has been half – heartedly implemented. Yung Indigenous People’s Right Act that is still in need more implementation even the need for Urban Housing kailangang – kailangan ito. Those were just basic needs of people that are maybe in the bottom scale of the society ngayon,” giit pa ni Archbishop Ledesma sa Radyo Veritas.
Nabatid na batay pinakabagong pag – aaral ng SWS o Social Weather Stations na ginawa nitong ika – 30 ng Marso hanggang Abril 2 so, sinabing 46 porsiyento sa 1,200 respondents ang nagsabing mahirap sila, o katumbas ng 10.5 milyong pamilya.
Ang naturang bilang ay mas mababa kumpara sa inilabas na survey noong Disyembre 2015 kung saan lumitaw na 50 porsiyento o 11.2 milyong pamilya ang nagsabing mahirap sila.