911 total views
500 bahay para sa mga naapektuhan ng kalamidad ang hangad na maipagawa ng Diocese of Virac sa Catanduanes sa pagdiriwang ng ika-500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
Ito ang ibinahagi ni Caritas Philippines Virac Director Rev. Fr. Renato Dela Rosa sa panayam ng programang Caritas in Action.
Ayon kay Fr. Dela Rosa, hangad ni Virac Bishop Manolo Delos Santos na makapagpagawa ng hindi bababa sa 500 bahay para sa kanilang kababayan na laging nawawalan o nasisira ang mga bahay tuwing may dumadaan na kalamidad gaya ng malalakas na bagyo.
Ikinagalak ni Fr. Dela Rosa ang suporta ng Caritas Manila at iba pang mga Church organization sa proyektong ito na nataon din sa ik-500 taon ng kristiyanismo sa bansa.
“Itong for shelter natin maraming nabigay na tulong ang Caritas Manila ito po hanggang ngayon patuloy na ginagawa sapagkat meron tayong a in relations sa 500 years of Christianity in the Philippines. Ang ating butihing obispo Manolo Delos Santos ang kanyang pangarap at least 500 units ang magawa natin para doon sa mga bulnerable na pamilya na ilang beses at paulit-ulit natin natutulungan dahil ang kanilang mga bahay ay yari sa light materials” pagbabahagi ni Fr. Dela Rosa.
Magugunitang labis na napinsala ang lalawigan ng Catanduanes ng manalasa ang bagyong Ulysses at Rolly noong taong 2020 kung saan mahigit sa 10- libong kabahayan ang naapektuhan.
Sinabi din ni Fr. Dela Rosa na maliban sa pa-bahay ay kumikilos din ngayon ang kanilang tanggapan para sa mga proyektong pangkabuhayan gaya ng pagbibigay ng mga bangka sa mga mangingisda at mga binhi naman sa mga magsasaka.
“yun motorized bangka for fishermen sa mga farmers naman nagpapatuloy ang pag-aasikaso natin ng kanilang mga lupain at pananim. More on early recovery ito ang mga programa natin doon, bangka motorized and non motorized, mga farming goods, mga seeds for agriculture.”pahayag ni Fr.dela Rosa
Nagpapasalamat din ang Pari sa mga tulong na ipinaabot sa kanila ng iba’t-ibang mga organisasyon.
“Sa lahat po na patuloy na tumutulong lalo na sa Caritas Manila, dahil po sa inyo marami ang programa na naitutuloy dito sa amin. Kasama po ni Bishop De los Santos ang obispo namin sa Virac ipinagdadasal po namin kayo especially dahil ang naging daluyan po nito ay Caritas Manila at Radyo Veritas.