418 total views
Tiniyak ng Arkidiyosesis ng San Fernando Pampanga ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa isang paring sangkot sa kontrobersiya. Sa pahayag ni Archbishop Florentino Lavarias ibinahagi nitong inalis na sa parokya ang sangkot na pari makaraang matanggap ang reklamo laban dito.
“Given the sensitive nature of the matter, and as a preliminary move, the Archdiocese has resolved to remove the priest from his parish assignment. The RCASF reserves the right to take appropriate action as a more thorough investigation progresses, after the receipt of a formal complaint from the concerned party,” bahagi ng pahayag ni Archbishop Lavarias.
Matatandaang isang video ang nag-viral kamakailan sa social media kung saan makikita ang pagsugod ng isang lalaki sa pari dahil sa alegasyong pakikiapid sa asawa.
Hindi pinangalanan ng arkidiyosesis ang pari na sangkot sa halip ay hiniling nito sa mamamayan na igalang ang jaraoatan karapatan at pagkakakilanlan ng magkabilang panig.
Tiniyak din ni Archbishop Lavarias ang pagtugon sa sensitibong usapin sa tulong at gabay ng Panginoon sa pakikipagtulungan ng magkabilang panig.
“They seek to deal with this sensitive and complex issue with divine guidance and in the most Christian way possible,” dagdag pa nito.
Tiniyak pa ng arkidiyosesis ang masusing imbestigasyon para sa katarungan at katotohanan at ang pagbibigay ng ‘pastoral guidance and support’ sa mga sangkot na indibidwal. Hiling ng arsobispo sa mananampalataya ang patuloy na panalangin lalo na sa mga naglilingkod sa simbahan na magampanan ang tungkulin bilang pastol sa kawan ng Panginoon.