309 total views
Nagpaabot ng panalangin at pakikiisa ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mamamayan ng India na labis nasalanta ng coronavirus disease.
Sa liham na ipinadala ng santo papa kay Catholic Bishops’ Conference of India President at Bombay Archbishop Cardinal Oswald Gracias dalangin nito ang kagalingan ng lahat ng naapektuhan ng pandemya.
“I am writing to convey my heartfelt solidarity and spiritual closeness to all the Indian people, together with the assurance of my prayers that God will grant healing and consolation to everyone affected by this grave pandemic,” bahagi ng mensahe ni Pope Francis.
Inalala rin ni Pope Francis ang mga pamilyang naghihirap dulot ng karamdaman lalo na ang mga nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanilang mahal sa buhay.
Dalangin din ng punong pastol ng simbahan ang katatagan ng mga medical frontliners na ginampanan ang tungkuling maisalba ang buhay ng mamamayan mula sa nakakahawa at nakamamatay na virus.
“I think too of the many doctors, nurses, hospital workers, ambulance drivers and those working tirelessly to respond to the immediate needs of their brothers and sisters. With deep appreciation I invoke upon all of them God’s gifts of perseverance, strength and peace,” ani ng Santo Papa.
Sa tala ng world meter info nasa 21.4 na milyon na ang kabuuang bilang ng mga nahawaan ng COVID-19 sa India pangalawa sa mga bansang may pinakamaraming bilang ng nahawaan kasunod ng Amerika.
Sa naturang bilang, mahigit sa 200-libo ang nasawi dahil sa karamdaman at 3.6 na milyon naman ang aktibong kaso na patuloy tinutugunan sa mga pagamutan.
Sa panayam ng Radio Veritas una nang humiling ng panalangin si Indian priest Fr. Loyola Diraviam ng Servants of Charity sa South India dahil sa lumalalang sitwasyon sa kanilang lugar. Tiniyak ni Pope Francis sa mananampalataya ng India ang buong pakikiisa sa naranasang suliranin bunsod ng pandemya.
” I join you in commending the Lord’s infinite mercy to the faithful who have lost their lives, not least the great numbers of priests and men and women religious. In these days of immense grief, may we all be consoled in the hope born of Easter and our unshakeable faith in Christ’s promise of resurrection and new life. To all I send my blessing,” dagdag pa ni Pope Francis.