Cardinal Advincula, nagpaabot ng pakikiisa at panalangin sa mga naapektuhan ng lindol sa GENSAN at karatig lugar

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 6,278 total views

Cardinal Advincula, nagpaabot ng pakikiisa at panalangin sa mga naapektuhan ng lindol sa GENSAN at karatig lugar

Nagpahayag ng pakikiisa at panalangin si Manila Archbishop Cardinal Jose Advincula para sa mga biktima ng magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa General Santos City at mga karatig na lugar.
Batid ng kardinal ang pangamba at takot ng mga mamamayang apektado ng pagyanig kaya’t tiniyak nito ang patuloy na pananalangin para sa kahinahunan at katatagan.

“With deep sorrow, I join our brothers and sisters in General Santos City and the surrounding communities who have been affected by the recent earthquake,” pahayag ni Cardinal Advincula sa Radyo Veritas.

Hinikayat din ng arsobispo ang mga mananampalataya na makiisa sa karanasan ng mga biktima ng lindol sa pamamagitan ng paglingap, lalo na sa kanilang mga pangunahing pangangailangan.

“In these difficult moments, may we draw strength from our faith and from the solidarity of one another,” dagdag ng cardinal.

“I also encourage all people of goodwill to extend whatever assistance they can to those in need.”

Dalangin ni Cardinal Advincula ang kaligtasan, kaginhawaan, at pag-asa ng mga naapektuhan ng sakuna, gayundin ang paggabay ng Diyos sa mga rescuer, emergency responders, at mga lokal na opisyal na nangunguna sa paghahatid ng tulong at sa pagbangon ng mga komunidad.

Sa pamamagitan ng panalangin at pagkakaisa, umaasa ang cardinal na makakamit ng mga apektadong mamamayan ang kinakailangang suporta at lakas upang malampasan ang pagsubok na dulot ng lindol.
Sa datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas 7:37 ng umaga noong June 8 nang mangyari ang tectonic quake sa lugar.

Ayon naman sa Office of Civil Defense naitala na sa 19 ang nasawi sa lindol, mahigit sa 100 ang nasutagan habang maraming gusali naman ang napinsala kabilang ang mga simbahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 18,238 total views

 18,238 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 51,320 total views

 51,320 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 79,671 total views

 79,671 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 147,401 total views

 147,401 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 169,133 total views

 169,133 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top